Chained Fates Trilogy
Sa loob ng maraming taon ay nagawang takasan ni Ace Morgan ang nakatakdang kapalaran niya.
Ngunit inabutan siya ng tadhana sa 7th Destiny pub house. Pero sa 7th Destiny rin niya natagpuan ang katotohanang magliligtas sa kanya mula sa isang makamandag na pag-ibig.

Book 1 - 7th Destiny
First Printing 2004
"Wala akong pakialam sa anumang consequences, kahit na ipakulong o ipabugbog mo pa ako. I just want you!"
Si Cerise Riviera—isang dalagang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ama. Sa kanya naatang ang responsibilidad ng 7th Destiny pubhouse.
Si Brent Stratford—isang guwapong lalaking may dugong-bughaw na nagmula sa Inglatera. Napadpad siya sa Pilipinas sa pagtugis sa taong nakatakdang magbayad ng utang sa kanilang pamilya.
Nagkrus ang kanilang mga landas nang ma-hold up si Brent. Natagpuan ito ni Cerise na hubo't hubad.
Hindi niya maintindihan kung bakit kay dali niyang pinagtiwalaan ang estrangherong ito na may berdeng mga mata. Lalong hindi niya mapaniwalaan na pumayag siyang ibahagi ang init ng katawan niya rito upang ilaban sa matinding lamig ng panahon.
Ang sumunod na mga pangyayari ay napakabilis. Hindi lamang naging bartender si Brent sa pub house, naging asawa pa niya ito!

Book 2 - Soul Captain
First Printing 2004
"Hindi na siya basta-basta magpapatangay sa damdamin kay Jet. Minsan na siyang nagkamaling mahalin ito. At hindi na muling mangyayari iyon."
Si Leann Corrigan—ang ampon ng mag-asawang Grandpa Barney at Grandma Joan na naninirahan sa malayong farm sa Minnesota.
Si Jethro Cartagena—ang isa sa mga tagapagmana ng ubod ng yaman at prominenteng pamilya mula sa Espanya.
Napadpad si Jethro sa farm nina Leann. Kinupkop ito ni Grandpa Barney at naging farm help. Natutuhan niyang mahalin ang binata, hindi lamang dahil sa pagiging misteryoso ng pagkatao nito, kundi ito rin ang lalaking sumagip sa kanya nang mawalan siya ng date sa kanilang prom night.
Subalit bago pa man lumago ang damdaming iyon ay nakatakda rin pala itong umalis upang tuparin ang misyon nito sa pamilya nito. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi gawin ang kanyang mapangahas na plano.
Bagi ito umalis ay pinasok niya ito sa silid at inialok ang sarili niya rito!

Book 3 - Fate Master
First Printing 2004
“I swore that I would love you and make you the happiest woman in the world. At kung hindi ko iyon magagawa, he can take you away from me anytime.”
Si Castille Cartagena—ang napiling "vengadora" sa bagong henerasyon.
Si Ace Morgan—ang napiling "esclavo" na nakatakdang magdusa sa mga kamay ng vengadora.
Sa lahat ng napiling esclavo, si Ace ang hinding-hindi pumayag na magpaalipin sa vengadora. Gagawin niya ang lahat ng paraan upang matigil na ang pagpaparusang iyon sa kanilang angkan ng pamilya ng Cartagena at Stratford.
Hanggang sa nakilala niya si Cye Michaels. Sa lahat ng babae, ito ang pinakapursigidong mapalapit sa kanya. At hindi niya natanggihan ang alindog nito.
Ngunit nalaman niyang ito pala ang vengadora...