Club 56 Series
Nang simulan kong gawin ang "Club 56" ay tinamad akong maghanap ng mga names para sa staff and crew ng club. So I asked the permission of the members of Eternal Equinox to use their names.
Pero kung ang personality ng mga staff and crew ay akma sa personality ng mga characters na kapangalan nila, that remains to be seen. After all, anything and everything can happen in Club 56.

Book 1 - Blood Oath
First Printing 2010
"Buong buhay ko ay naghanap ako ng isang perfect girl. All this time, nasa tabi ko lamang pala ang perfect girl na hinahanap ko."
Hindi nagustuhan ni Trader ang desisyon ng kanyang mga magulang na kupkupin si Livia. Lalong wala siyang balak na ituring itong kapatid.
Naging aloof at malamig ang pakikitungo niya rito. Pero nang maglayas ito ay hindi niya napahindian ang pakiusap ng kanyang mga magulang na tumulong sa paghahanap sa pasaway na babae.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang matagpuan ito na nagtatrabaho sa isang nightclub! Animo nabago na rin ang personalidad nito. Nawala ang kainosentihan nito.
Lingid sa kaalaman niya, ang club na pinagtatrabahuhan ni Livia, ang Club 56, ay nagsisilbing front ng isang agency na nag-i-specialize sa revenge business. At nasa listahan siya ng Club 56 sa mga dapat turuan ng leksiyon.
Ang kasalanan niya: Pinaibig daw niya si Livia at sinaktan ang puso nito!

Book 2 - Covenant (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2010
"I will never deny my feelings for you ever again. At sisikapin kong maging isang mabuting asawa para sa iyo at mabuting ama para sa mga magiging anak natin."
Si Arissa Hudson ang pinakabagong kitchen help ng Club 56. Isa rin siyang prospective client ng club na palihim na nag-i-specialize sa pagpaparusa sa mga lalaking nananakit sa damdamin ng mga babae.
Sa sitwasyon ni Arissa, kailangan niya ang tulong ng Club 56 upang maparusahan si Steel Gerickson. Itinaboy at binale-wala siya nito pagkatapos siyang paibigin.
Ngunit sa pag-iimbestiga ng Club 56, hindi ganoon kasimple ang kuwento niya at hindi rin ordinaryong lalaki si Steel Gerickson.
Nang tanggapin ng club ang kaso niya, inakala niyang makakapaghiganti na rin siya sa lalaki. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ibalik siya niyon sa piling ni Steel at ipakasal pa rito!

Book 3 - Heartland (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2010
"Ikaw ang aking ngayon at bukas. There will never be anyone else after you..."
Isang babaeng nagngangalang “Gabrielle” ang bumihag sa puso ni Alonzo nang magpunta siya sa Paris. Ngunit sinawimpald na nasawi ito sa isang plane crush.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay natagpuan niya sa Club 56 ang isang babeng tinatawag ang sarili sa pangalang “Elle.” Kamukhang-kamukha ito ni Gabrielle ngunit matigas ito sa pagtangging ito ang babaeng mahal niya.
Upang matiyak niya kung si Elle ay si Gabrielle, nagtrabaho siya bilang waiter sa Club 56…

Book 4 - Nothing Sacred
First Printing 2010
"Kapag nagmahal ako, hindi iyon pansamantala lang. Panghabang-buhay iyon."
Nagbunga ang pagsisikap ni Illyra. Nakamit niya ang tagumpay sa larangan ng pag-awit. Isa na siyang successful international singer. Ang susunod na hakbang sa plano niya ay ang pumili ng perfect husband mula sa mga de-kalibreng manliligaw niya.
Ngunit ang pagkakaroon niya ng isang perfect husband ay nasira nang pagsamantalahan siya ni Shannon, ang bartender ng Club 56.
Matindi ang pagprotesta ni Shannon sa paratang niyang iyon. Hinding-hindi raw ito papatol sa isang babaeng tulad niya na mayabang, vindictive, at sakim.
Natigil ang pa-aaway nila nang mapanood nila ang videotape ng tunay na naganap sa pagitan nila. There was no rape. Malinaw na nakita nila na mutual ang naging partisipasyon nila sa “activity.” At hindi lamang isang beses na naganap iyon kundi ilang beses pa at sa iba’t ibang bahagi ng Club 56!