Club 56: Vishnu Series
This is the second arc o masasabi ring Season 2 ng "Club 56". Continuation ito ng "Club 56" and like the latter, four novels din ito. Although nandirito pa rin ang four original owners of the club, nagkaroon ng pagbabago sa staff and crew ng club.
Sa mga bago pa lang makakabasa ng stories tungkol sa naturang club, here are the three rules sa Club 56 Universe:
Ang mga kuwento ng "Club 56": Vishnu ay umiikot sa buhay at pag-ibig ng violet-eyed man named "Vishnu", ang maituturing na kapatid ni Trois at second adopted child ni Mason Regero.

- Walang pakialam sa timeline ang mga istorya rito. Characters from my other books and series come and go in Club 56. They can either be main characters or supporting characters. Maaari silang dumalaw sa club at any time I choose, ('taray, 'no?).
- Most of the staff and crew of the club got their names and personalities from the members of Eternal Equinox Forums (http://z6.invisionfree.com/eternal_equinox). Pero kayo na ang bahalang humula kung sino sa kanila ang base sa real people o nagmula lang sa imagination ko (ha-ha!).
- Anything and everything is possible at Club 56.
Ang mga kuwento ng "Club 56": Vishnu ay umiikot sa buhay at pag-ibig ng violet-eyed man named "Vishnu", ang maituturing na kapatid ni Trois at second adopted child ni Mason Regero.
Book 1 - Confession
First Printing 2011
Pangarap ni Thrace na magtagumpay at yumaman. Nakahanda siyang isakripisyo ang kanyang social life at love life para lang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
Ang pagkakataon na kumita nang malaki at makapagpatayo ng isang maliit na negosyo ay dumating sa kakaibang job offer mula sa multimillionaire na si Mr. Marino. Nakahanda itong magbayad ng kahit magkano basta magpanggap lang siya bilang ang anak nitong si Sunni na may malubhang sakit.
Sa pagpapanggap niya bilang si Sunni, kailangan niyang isakatuparan ang lahat ng pangarap at kagustuhan ni Sunni. Kabilang doon ang pagpapaibig kay Guiller, ang lalaking minamahal ni Sunni!

Book 2 - Permanence
First Printing 2011
Sumali si Althea Jacinto sa isang reality beauty contest hindi para manalo at sumikat kundi para makahanap ng lalaking magiging ama ng kanyang magiging anak. Nangunguna sa pamantayan niya ang kaguwapuhan. Gusto niyang magkaroon ng maganda o guwapong anak para hindi ito laitin ng mga tao sa paligid niya. Dahil kasi sa pagiging ugly duckling ay panlalait ang kinalakhan niya.
Sa set ng reality beauty contest niya nakilala si Raiden Kai Anderson, former US military man, na ang tanging layunin sa buhay ay mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng kapatid nitong si Rissa.
Unti-unti na niyang nakakamit ang tagumpay nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nadisgrasya siya at dahil doon ay nasira ang kanyang mukha. Si Raiden ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Dahil sa pagkasira ng kanyang mukha, hindi na niya maipagpapatuloy ang pagsali sa beauty contest.
Sa labis na pagsisisi ay nangako si Raiden na ibibigay nito ang anumang hilingin niya. Ngunit kaya ba nitong panindigan ang ipinangako nito kung ang hihingin niyang kabayaran dito ay isang anak?

Book 3 - Winter's Heart
First Printing 2011
Sinisikap ni Kale na bayaran ang kasalanan na nagawa niya noong teenager pa siya sa pamamagitan ng pagtulong at pagligtas sa sinumang nangangailangan ng tulong niya. Hindi nga lang niya alam kung sasapat ang mga kabutihang ginagawa niya. Animo walang kapatawaran ang kasalanang nagawa niya.
Bilang dagdag na parusa ay inalisan niya ang sarili ng karapatan na magmahal o makadama ng anumang uri ng kaligayahan.
Ngunit sa pagkikita nila ni Eudora, natuklasan niyang ang tanging paraan para matulungan niya ito ay kung mamahalin niya ito!

Book 4 - Wickedly Divine
First Printing 2011
Nagbalik si Jezza sa Pilipinas para bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nagtrabaho siya sa Club 56 bilang bartender dahil ang taong responsable sa nangyari sa kanyang mga magulang ay kalaban din ng club.
Wala siyang balak na makatagpo ng pag-ibig. Ngunit unang kita pa lang niya kay Led Carver, ang violet-eyed manager ng club, ay nabatid na niyang umiibig siya rito.
Ngunit malinaw na walang pag-asa ang pag-ibig niya rito. Dahil ang puso nito ay pagmamay-ari na ni Helena. Sumumpa pa nga itong kapag nagtagumpay ang ibang babae na mabawasan ang pagmamahal nito kay Helena ay agad nitong kikitlin ang sariling buhay.