Craville Series
Ang kanyang tagumpay at kasikatan ay inakala niyang kanya.
Ngunit ang lahat ay isang ilusyon lamang. Maging ang babaeng mahal niya ay di pala sa kanya.
Ang lahat ay pinahiram lamang sa kanya ng tunay na may-ari. At anumang oras ay babalik na ito at aagawin sa kanya ang lahat ng taglay niya ngayon.
But he won't just leave and disappear. Ipaglalaban niya ang kanyang karapatan at kanyang pag-ibig.

Book 1 - Blue Ice (Special Edition, 144 pages; Readers' Choice)
First Printing 2008
"There is no one else, Amber. You can fill the space in my heart if you want."
Ilag si Amber sa mga guwapong lalaki. Na-trauma kasi siya nang minsan ay magmahal siya ng isang guwapong lalaki. Ngunit hindi niya nagawang talikuran ang ubod ng guwapong lalaki na natagpuan niya sa gitna ng kanilang taniman ng mais na inaapoy ng lagnat.
Binago ng lalaki na nagngangalang "Arc Jordan" ang kanyang mga paniniwala. Ipinakita nito na hindi lahat ng guwapong lalaki ay masama at manloloko. Tinulungan at pinrotektahan siya nito. Nang makaya na niyang tumayo sa sarili ay nawala ito sa buhay niya.
Sa pagkawala nito ay saka niya na-realize na higit pa sa isang kaibigan ang damdamin niya para dito. Umiibig na pala siya rito.
Sa pagpunta niya sa Maynila ay sumalubong sa kanya ang isang malaking billboard kung saan naroroon ang larawan ni Arc Jordan! Noon niya natuklasan na ang lalaking nakasama niya nang ilang buwan sa probinsiya ay ang pinakasikat at hottest actor-model sa buong mundo!

Book 2 - Soft Passion
First Printing 2008
"After your kiss, imposible nang magmahal pa ako ng ibang babae"
Nakatakda nang ikasal si Lesley sa real life prince na si Edward, ang susunod na magiging hari ng bansang Traveria.
Edward was every girl's fantasy. Ngunit hindi maipaliwanag ni Lesley kung bakit kayang buhayin ng simpleng sundalo sa palasyo na si Christopher ang pagsiklab ng init sa kanyang katawan.
Dahil sa hindi niya maipaliwanag na damdamin na ginigising sa kanya ni Christopher ay nagpasya siyang umurong sa kasal nila ni Edward at magbalik sa pagiging modelo.
Ngunit sa pagbabalik niya sa isang ordinaryong buhay ay saka niya natuklasan na ang lalaking nagpakilala sa kanya bilang si Christopher ay may ibang pangalan at pagkatao.

Book 3 - Cypress Wind
First Printing 2008
"I believe that when the right woman comes, the right love, hindi mo dapat bale-walain iyon. You must hold it close to your heart."
Nakaramdam ng pagrerebelde si Kyle dahil sa pagmamanipula ng kanyang ama sa buhay niya. Nais nitong maging sikat siyang violinist. Sa pagrerebelde niya ay napadpad siya sa isang bar. Doon ay natuwa siya nang labis na natuwa dahil nabigyan siya ng pagkakataong i-express ang kanyang music.
Kasabay niyon ay nakita niya ang isang babaeng mukhang nanganganib sa kamay ng dalawang lalaki. Nagawa niyang itakas ito mula sa mga nais magsamantala rito. Napansin niyang parang wala ito sa sarili. Parang hot na hot ito. At siya na wala pang karanasan sa sex ay labis na nadarang dito. Nakuha niya ang pagkakabae nito.
Seven years later, muli silang nagkita ng babae. "Krista" pala ang pangalan nito. Subalit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang paratangan siya nitong ginahasa niya ito!

Book 4 - Elegance
First Printing 2008
"I am going to love you, Beatrice. But I am also going to make sure it will be worth the wait."
Isang magaling na abogada si Beatrice. May reputasyon siya bilang isang matapang at malakas na babae.
Ngunit binansagan din siya bilang "black widow." Lahat kasi ng napapangasawa niya ay namamatay. Sa pagkamatay ng ikalawang asawa niya ay naging napakaemosyonal niya.
Kinailangan niya ng isang taong mapaghihingahan niya ng sama ng loob kaya nagtungo siya sa simbahan upang mangumpisal.
Sa loob ng confessional box ay sinabi niya ang lahat ng kanyang itinatagong sekreto. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niyang hindi isang pari ang nasa loob ng confessional box kundi isang guwapong lalaki na nagngangalang Bien Lucero.
Hindi niya akalaing iibig siya rito. Pero ayaw niyang maging asawa ito kahit mahal na niya ito.
Paano na lang kung mamatay ito nang maaga?

Book 5 - Azure (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2008
"You are right. Nothing matters but our love for each other."
Unang kita pa lamang ni Frances sa lalaking may bughaw na mga mata ay na-in love na siya rito nang todo. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya nito na napakabata pa niya at hindi siya nababagay rito.
Determinado siyang paibigin ito.
Hindi rin siya pinanghinaan ng loob kahit natuklasan niyang ito ang tagapagmana ng billion dollar business empire at lahat yata ng babae ay kaagaw niya sa pagtingin nito. Sumumpa siya na magiging isa siyang successful career woman at magiging karapat-dapat siya para dito.
Lahat ng pinangarap niya ay natupad maliban sa isang bagay. Hindi niya naging asawa ang lalaking pinakamamahal niya nang mamatay ito.
Wala siyang kamalay-malay na buhay na buhay ito, na lihim na nakabantay ito sa kanya, nag-aalaga, pumoprotekta, at kinikimkim ang labis na pagmamahal sa kanya.