Drumbeats Series
This is a 6-book series about the lives and adventures of an international pop-rock band and the people that help and support them.
This is NOT the story of their rise to fame and success.
This is the story of how their music affect people and change lives.
And the secrets they hide from the world.
Book 1 - Rhyme
First Printing 2012
"I lied when I told you I don't love you. Dahil ang totoo, mahal kita."
Bahagi ng tradisyon ng pamilya Muller na ang panganay na anak na lalaki ng bawat henerasyon ay kukuha ng isang virgin wife mula sa isla ng Vatika. Naniniwala kasi sila na nagdadala iyon ng suwerte sa buong angkan. Labag man sa kanyang kalooban ay tinanggap ni Regent ang kanyang kapalaran.
Ngunit ang babaeng pinili ng kanyang pamilya na mapapangasawa niya—si Kythira—ay tumakas.
Ngayon lang nangyari na tinakbuhan ng bride nito ang isang Muller. Malaking sampal iyon sa kakayahan at pagkalalaki ni Regent. Sumumpa siyang gagamitin ang lahat ng koneksiyon at kayamanan ng kanyang pamilya para matagpuan si Kythira.
Oras na matagpuan niya ito ay paiibigin niya ito…

Book 2 - Repertoire
First Printing 2012
"My heart is yours. You decide if you want it or not."
Naging isang recluse si Forrest Mezzo pagkatapos siyang pagtaksilan ng unang babaeng inibig niya. Tinakasan niya ang mundo at tinalikuran ang very successful career niya bilang isang songwriter.
Ngunit para sa Drumbeats, tanging siya ang makakalikha ng mga awiting aakma sa musika ng mga ito.
Sa kagustuhan niya na mapanatili ang kanyang katahi- mikan at patuloy na makapagtago, isang napakaimposibleng bagay ang hiniling niya mula kay Collumn, ang manager ng Drumbeats. Susulat lang siya ng kanta para sa naturang banda kung maihahanap siya ni Collumn ng babaeng mamahalin niya at magmamahal din sa kanya nang totoo.
Huli na nang ma-realize niya na walang imposible kay Collumn. Dahil ang babaeng natagpuan nito para sa kanya ay hindi niya magawang tanggihan!

Book 3 - Harmony
First Printing 2012
“Nang ma-realize ko na mahal kita, nothing really matters anymore. Nakahanda na ako sa anumang mangyayari o sa anumang matutuklasan ko tungkol sa `yo.”
Isang sikat na radio anchor si Strauss Cadenza. Pangarap niyang tanghalin bilang number one radio anchor sa buong bansa. Para mangyari iyon, kailangan niyang makakuha ng exclusive interview sa enigmatic band na Drumbeats.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ang hinging kapalit ni Cyanide sa exclusive interview ay ang paglayo niya sa kanyang girlfriend na si Patrice.
Isinakripisyo niya ang kanyang pangarap at garantisadong kasikatan para sa dalaga. Sa lahat kasi ng mga babaeng nakilala niya, ito lang ang minahal niya nang tunay.
Ngunit marami pala itong itinatagong sekreto. Isa na roon ang pagiging keyboardist nito ng Drumbeats…

Book 4 - Medley
First Printing 2012
“I was pretending to be happy and in love with someone else when all this time, ikaw ang hinahanap ko.”
Nag-iisa na si Bria sa buhay. At sa loob ng maraming taon ay kinupkop at sinuportahan siya ni Vernon na nagpakilalang pinsan niya. Nang maging maayos na ang buhay niya ay saka ipinagtapat ni Vernon na may kinalaman ito sa pagkamatay ng kanyang ina. Pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo na ito.
Dahil sa nalaman ni Bria, sumumpa siya na maghihiganti. Ang mapahamak si Vernon ang hiningi niya kay Collumn na kapalit ng pagsali niya bilang bassist ng Drumbeats. Madali namang nai-set up ni Collumn si Vernon para makulong ito at maparusahan sa isang krimen.
Dapat ay masaya na siya. Nakapaghiganti na siya. Pero hindi niya magawang magdiwang. Sa pagkakapahamak kasi ni Vernon ay saka niya natuklasang matagal na pala niyang iniibig ito. Ang galit pala niya rito ay hindi dahil sa naging parte nito sa kamatayan ng kanyang ina kundi bunsod ng pang-iiwan nito sa kanya…

Book 5 - Resonance
First Printing 2012
“I may never occupy the number one position in the most important people in your life list, but you will always hold the number one position in my life and heart.”
Nang unang marinig ni Sarabeth na kumanta si Montaro ay agad siyang nakumbinsi na ito ang perfect vocalist para sa Drumbeats, ang binubuong banda ng Kuya Collumn niya. Sinadya pa niya ito sa bansa nito para alukin ito na maging miyembro ng Drumbeats.
Tumanggi ito. Kahit anong pangungulit niya ay hindi ito pumayag. Ngunit nang makausap nito ang kuya niya, sinabi nitong papayag itong maging vocalist ng Drumbeats sa isang kondisyon. Pakasalan daw niya ito…

Book 6 - Rhapsody
First Printing 2012
Yumakap siya rito at tinugon ang halik nito. It was useless to run and fight anymore. Isang katangahan ang palagpasin niya ang pagkakataong iyon. Sa kabila ng galit niya rito ay mahal pa rin niya ito.
Hindi maintindihan ni Collumn kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Cyanide. Kahit ano ang gawin niya ay nananatiling walang tiwala ito sa kanya. Oportunista pa rin ang tingin nito sa kanya.
Nang matuklasan niya na ang ganoong mind-set nito ay epekto ng traumatic experience nito sa unang boyfriend nito, ipinasya niyang hanapin ang sinumang lalaking iyon. Bibigyan niya ito ng matinding leksiyon.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang malaman niyang ang ex-boyfriend nito ay walang iba kundi siya!