Fantastic TV Series
Isang reality-based TV game show ang "Fantastic TV" . Magaganap ito sa isang island resort sa Pacific Ocean na inihalintulad sa isang fantasy world na tinitirhan ng mga creatures na tulad ng fairies, werewolves, goblins, vampires, etc.
Twenty-five contestants mula sa iba't-ibang parte ng mundo ang maglalabanan para sa two-million dollar prize.
One woman would emerge as the most beloved heroine of the TV series. One man would become the most hated villain.
Good vs. Evil? Love vs. Hate?
Sino ang magtatagumpay? Tanging ang maganda at matalinong creator and executive producer ng Fantastic TV na si Brenna Hawkins ang nakakaalam.

Part I - Legends 1 - Love Rules
First Printing 2006
Dalawang bagay ang ibinunga ng pagsali ni Romina sa reality TV show na Fantastic TV. Una ay ang naging paghanga ng buong mundo sa kanyang kagandahan. Pangalawa ay ang pagkakatagpo niya sa lalaking iibigin, si Marshall Romero.
Inakala niyang mahal din siya ng binata. Ngunit ang totoo, ginagampanan lamang nito ang papel na nilikha para dito ng executive producer na si Brenna Hawkins.
She realized she was not only fighting to win the two million-dollar prize, but she was also fighting for Marshall's heart.
Ngunit paano niya makukuha ang pag-ibig ng binata kung ganoong pagmamay-ari na pala iyon ni Sonya—ang kababata at matalik na kaibigan nito?

Part I - Legends 2 - Heart's Creation
First Printing 2006
Unang kita pa lang ni Jonathan kay Brenna Hawkins ay hindi na niya maiwasang magkaroon ng crush sa war freak at supladang executive producer.
Mabigat naman ang loob ni Brenna sa binata. Malakas kasi ang kutob niyang may gagawing masama ito.
Ang masamang hinala niya ay nagkatotoo nang matuklasan niyang kaya pala sumali ito sa Fantastic TV ay dahil sa utos ng nakaaway niyang executive ng isang rival TV network. Balak nitong isabotahe ang production ng Fantastic TV.
Ngunit ang isang bagay na hindi talaga niya mapapatawad ay nang samantalahin ni Jonathan ang kalasingan niya at angkinin siya nito...

Part II - Magic Realms 1 - Eastern Skies
First Printing 2006
Malaki ang kasalanan kay Shigure Mirai ng kapwa player niya sa Fantastic TV na si Dawn Meyers. Isinumpa niya sa sarili na hahanapin niya ito para paghigantihan.
Natunton niya ang bahay ng mga Meyers sa Denver. Pero hindi si Dawn ang nakita niya kundi si Midnight, ang nakababatang kapatid nito.
Bumalik siya sa Japan at hindi niya inakalang susundan siya roon ni Midnight. Lalong nagulo ang sitwasyon nang di-inaasahang napakasal siya rito.
May umuusbong na kung anong damdamin sa kanyang puso para sa dalaga, subalit mukhang hindi mapapayagan ni Dawn na magkaroon sila ng relasyon ng kapatid nito sa pag-aakala nitong ang nais lamang niya ay maghiganti...

Part II - Magic Realms 2 - Northern Fires
First Printing 2006
Hindi inakala ni Cerra na sa isang iglap ay magiging multimillionaire siya nang pamanahan siya ng isla ng kanyang Lolo Huberto. Dahil din sa islang iyon ay nakilala niya si Dice Hawkins.
Sa una pa lamang ay may iba na siyang nararamdaman para kay Dice. Buong akala rin niya ay may pagtingin din ito sa kanya nang inakala niyang ito ang yumakap, humalik, at nagpahayag ng pag-ibig sa kanya.
Subalit ganoon na lamang ang naramdaman niyang kabiguan nang malaman niyang hindi pala siya ang babaeng nais nitong pakasalan kundi isang babaeng tanging dahilan kung bakit nagtiis ito ng hirap at pagsubok sa pagsali sa Fantastic TV.

Part II - Magic Realms 3 - Southern Storms
First Printing 2006
Dahil sa isang lihim na tanging ang mga magulang niya ang nakakaalam ay gumawa si Mai-jung ng paraan upang hindi matuloy ang arranged marriage nila ni Jin Liu Shui. May pag-ibig siyang nararamdaman dito subalit ayaw niyang matali ito sa isang kasal na labag sa kalooban nito—and worst, na malaman nito ang kahiya-hiyang sikreto niya.
Ginamit niya ang kanyang pagiging feng shui master. Sinabi niya sa kanilang mga magulang na hindi sila nababagay ni Jin sa isa't-isa.
Subalit ano ang gagawin niya kung mismong si Jin na ang gumawa ng paraan upang matuloy ang kasal nila?

Part II - Magic Realms 4 - Earth Goddess
First Printing 2006
Bata pa si Caitlin ay nagdesisyon na siyang ang lalaking pakakasalan niya ay walang iba kundi ang child star na si Devin Winters.
Lumipas ang mga taon, dala-dala pa rin niya ang “kahibangang” iyon. Hindi naman siya nabigong makita si Devin na isa nang ganap na binata. Subalit wala na rito ang katanyagang saglit na tinaglay nito.
Sa kanilang pagkikita ay sinabi niya ang kanyang pakay. Pero agad na tinanggihan nito ang kanyang marriage proposal.
Binale-wala niya ang pagtanggi nito. Isang en grandeng kasal ang inihanda niya at sa tulong ng kanyang pamilya at kayamanan ay napilitang magpakasal ito sa kanya.
Isa na lamang ang problema niya—iyon ay kung paano niya paiibigin ang binata. Lagi kasing palpak at in-effective ang lahat ng ideyang maisip niya. Ni hindi niya magawang maakit ito. Kaya paano sila magkakaroon ng honeymoon?

Part III - Danger Quest 1 - Danger Zone
First Printing 2006
Sa pagbabalik ni Archer sa Australia ay taglay na niya ang mga leksiyon at mga bagong skills na nakuha niya sa Fantastic TV, at kay Gareth McGuire.
Naging talent agent din niya si Caitlin Hawkins na sinisimulan nang iplano ang isang magandang career para sa kanya.
Ngunit naghihintay sa apartment niya si Allora, ang babaeng nasaktan niya limang taon na ang nakararaan. Diretsong sinabi nito sa kanya na ang pakay nito ay paghigantihan siya at gamitin siya laban sa mga taong pilit na umaagaw sa lupain nito.
Hindi siya nagdalawang-isip. Agad siyang pumayag sa gusto nitong mangyari. Sa kabila ng malinaw na pagkasuklam nito sa kanya, hindi niya maiwasang maakit pa rin dito. Itinuring niyang isang bagong pakikipagsapalaran ang muling pagpapaibig sa babaeng sumumpa na hindi na siya muli pang mamahalin.

Part III - Danger Quest 2 - Life's Hazard
First Printing 2006
Isang police officer si Portia kaya nang makilala niya si Brannon at malaman niya ang tungkol sa assassin na pumatay sa mga kaibigan nito ay nagpasya siyang tulungan ito.
Isang matibay na pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nila. Ngunit kinailangan nilang maghiwalay dahil nasa China ang gamut na kailangan nito para sa sakit na taglay nito.
Pagkaraan ng matagal na panahon ay muli silang nagkita. Ganap na itong magaling ngunit mayroon naman itong partial amnesia. Hindi na siya kilala nito.
Pero sa pagkikita nilang iyon ay na-trigger din ang pagbabalik ng mga alaala nito tungkol sa kanya. Ngunit sa alaala nito ay lumalabas na pagmamay-ari nito ang kanyang puso at katawan.

Part III - Danger Quest 3 - Lethal Dose
First Printing 2006
Napadpad sa Beijing, China ang pamilya ni Craig Hudson. Doon ay nakilala niya ang napakagandang si Yaz. Subalit hindi ito katulad ng ibang babae na humanga agad sa kanya. Sa halip ay hindi siya pinapansin ng magandang Chinese girl. Ang lalaking pipiliin nito ay ang makakatalo sa galing nito sa martial arts.
Nahamon siya at nag-enrol sa martial arts school. Subalit kahit anong gawin niya ay hindi niya matalo ito. Natatapakan na ang kanyang ego.
Hanggang sa dumating ang pagkakataon na pumayag na itong maging kasintahan niya. Kahit ipinararamdam nito sa kanyang dahil iyon sa pagmamahal ay parang ayaw niyang maniwala. Lalo na't naku-curious siya kung bakit ayaw siyang papanoorin nito ng Fantastic TV.
Ang hindi nito alam ay pinanood niya ang nasabing show na sinalihan nito. Alam niyang may matutuklasan siya roon. At hindi nga siya nagkamali, nalaman niyang umiibig ito sa ka-team nitong si Gareth McGuire at peke lamang ang damdaming ipinakikita nito sa kanya.

Part IV - Ever After 1 - Valiant
First Printing 2006
Si Berlin ang unang pag-ibig ni Vaughn. Hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-ibig niya dahil ibang lalaki ang minahal ng dalaga. Kaya sinikap niyang kalimutan at patayin ang pag-ibig dito.
Sa pagsali niya sa Fantastic TV ay nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon na muling makita si Berlin. Minahal siya ng husto ng dalaga. Animo'y isang whirlwind romance ang nangyari sa kanila dahil mabilis na nauwi sa pagpapakasal ang lahat.
Ngunit ang Berlin na pinakasalan niya ay isang impostor! Ang tunay na Berlin ay nakaratay sa higaan sanhi ng panlalasong ginawa ng pekeng Berlin.

Part IV - Ever After 2 - Invincible
First Printing 2006
Itinaya ni Kerena ang kanyang buhay para lamang iligtas si Tyre, ang lalaking pinakamamahal niya.
Nakaligtas siya ngunit comatose siya. At nang muli siyang pagbalikan ng malay ay siyam na taon na ang nakalipas.
Nanatiling buhay at masidhi pa rin ang pag-ibig niya sa binata. Ngunit mukhang nakalimutan na siya nito. Isa nang celebrity ito ngayon na kilala sa buong mundo. Pero ang pinakamasakit, nakatakda nang ikasal ito sa ibang babae—kay Sonya na nakilala nito sa reality TV show na Fantastic TV.

Part IV - Ever After 3 - Rapture
First Printing 2006
Inakala ni Sonya na nakasamang nalibing ni Gareth McGuire ang mga lihim nito na makakasagot sana sa kanyang mga katanungan. Ngunit natuklasan niyang ang mga lihim ni McGuire ay iniingatan ni Rhetro Stevenson.
Sa paghaharap nila ng binata, agad nitong nilinaw sa kanya ang gusto nitong gawin.
Una ay ang makuha ang kanyang virginity.
Ikalawa ay ang maging tagapagtanggol niya.
At ikatlo ay ipakasal siya sa lalaking base sa pamantayan ni Gareth McGuire ay siyang karapat-dapat para sa kanya.