Kampilan Trilogy
Karamihan sa mga writer ay nag-iimbento ng lugar kung saan gumagalaw ang kanilang mga character. Hindi ako naiiba sa kanila. Ang bayan ng Sevilla at Puerto Real at maging ang probinsiya ng Odera na laging mababanggit sa trilogy na ito ay kathang-isip ko lang. Pero ang geography ng mga lugar na iyon ay ibinase ko sa iba't-ibang lugar na napuntahan ko na.
Ang salitang "Kampilan" ay hindi ko inimbento. Kinuha ko ang pangalang iyon sa espadang ayon sa alamat ay siyang ginamit ni Lapu-lapu (hindi siya 'yong isda, wa-ha-ha-ha!) nang labanan niya si Ferdinand Magellan. The "kampilan" is a sword that was used by warriors who lived in the southern part of the Philippines during the olden times. Double-tipped ito at ang handle ay kahugis ng isang nakabukang bibig ng buwaya. Usually ay nasa forty to forty-four inches ang haba nito at sinasabing mabisang pampugot ng ulo ng mga kalaban.
Pero ang Kampilan sa trilogy na ito takes on a different new meaning and even has a personality of its own. Hinahayaan ko na ang readers ko na tuklasin ang misteryo at ibig sabihin ng "Kampilan".

Book 1 - Rebel (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2011
Bunsong anak si Zach ng makapangyarihang angkan ng Montepiedad sa bayan ng Puerto Real. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Unang kita pa lang niya kay Sicily ay nabighani na siya rito. Ngunit hindi ito interesado sa kanya. Ang tanging paraan para makuha niya ito ay kung dadaanin niya ito sa dahas.
Pero bago niya maisakatuparan ang kanyang maitim na balak ay nawala ang lahat ng yaman at kapangyarihan ng kanyang pamilya.
Dahil doon ay nabaligtad ang sitwasyon nila ni Sicily. Ito na ngayon ang may hawak sa buhay niya. Ito ang magdidikta ng lahat ng gagawin niya at susunod siya rito nang walang protesta at reklamo.
Sa kung anong dahilan, ikinasiya niyang maging alipin siya nito…

Book 2 - Warrior (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2011
Para makilala ang tunay na pagkatao ni Lt. Samuel Jericho ay pumayag si Leanne na magpanggap na isang GRO. Ikinatuwa niya nang malaman niyang mabuting tao ito at tapat ito sa tungkuling sinumpaan nito.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malaman niya ang plano ng lider ng kanilang grupo para kay Lt. Jericho. Hindi siya makapapayag na mapunta kay Lt. Jericho ang mahalagang papel na pinapangarap niyang magampanan din niya. Gagawin niya ang lahat para masira ang plano.
Muli ay ipinain niya ang kanyang sarili pero sa pagkakataong iyon ay para masira ang magandang reputasyon ni Lt. Jericho sa mata ng mga kasamahan niya. Ngunit hindi niya inakalang babalik sa kanya ang ginawa niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na ikinakasal kay Lt. Jericho.
Pananagutan daw siya nito sa kabila ng ginawa niyang pandadahas dito!

Book 3 - Equalizer (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2011
Bata pa lang si Jordan, alam na niya na ang lalaking gusto niyang mapangasawa ay si Acron. Subalit dahil sa isang malagim na trahedya na naganap noong mga bata pa sila ay nagkahiwalay sila.
Sa kabila ng pagkakalayo nila ay hindi nagbago ang damdamin niya para dito. Lalo pa ngang tumibay at lumalim iyon.
Nang sumapit siya sa hustong edad ay hinanap niya si Acron. Ngunit nang makita niya ito ay pilit na itinaboy siya nito. Napakarami nitong sinabi kung bakit hindi maaaring maging sila. Pero lalo lamang pinag-igting ng mga iyon ang pagmamahal niya rito. Kaya kung inaakala nitong maitataboy siya nito dahil sa mga pinagsasabi nito, nagkakamali ito.
Hindi niya ito tatantanan hanggang sa tanggapin nito sa sarili nito na sila ay para sa isa’t isa…