This is Hugh Jackman. My inspiration for Mason Regero's looks and smile.
Mason and Vishnu a Club 56 Vishnu unedited excerpt by Arielle
PAGKARAAN ng ilang araw ay nagkaroon ng imbestigasyon sa biglang pagkawala ni Mr. Wainwright. Nang gumamit ang mga police inspectors ng hound dogs ay natunton ang kinalilibingan ng lalaki. Sa di maipaliwanag na dahilan, ang paper cutter na ginamit ni Helene ay natagpuan sa mga garden tools ng ama ni Mckenzie gayong ibinaon ni Mckenzie iyon sa ibang part ng garden.
Dahil doon, naging prime suspect ang ama niya. So sobrang galit ni Mrs. Wainwright ay pinalayas silang mag-ina sa cottage. Ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-usap si Helena. Ngunit sa kabila ng mga nangyari, nanatiling matibay ang pangako niya kay Helena.
At para makaligtas ang ama sa isang kasalanang di nito ginawa, inamin niya ang krimen. Dahil mas detalyado ang ibinigay niyang pahayag tungkol sa naging sugat ni Mr. Wainwright at kung paano niya ito inilibing, pinalaya ang ama niya. Ang motibong ibinigay niya sa pagpapatay sa dating amo ay dahil lagi siya nitong sinasaktan.
Sa edad na twelve years old ay nahaharap siya sa isang murder case. Habang nasa kulungan ay nagkaroon siya ng bisita na nagngangalang Lucius Broccoli.
“So, you are the devil child.”
“D-Devil child?”
“Iyon ang ibinansag sa iyo ng media. Matindi din ang dinaranas ng mga parents mo. They are always hounded by people and media. Minumura at kinamumuhian sila ng marami dahil sila ang lumikha sa isang dimonyong tulad mo.”
Napa-iyak siya.
“Marami ang nagpapatunay na isang mabuting tao si Mr. Wainwright at imposibleng gawin niya ang ibinibintang mo. And the examinations and x-rays done on your body showed na wala ni isang senyales na nabalian ka ng buto. You were never abused. You are a strong and healthy young man. Because of your lies, maging ang sarili mong abugado ay naniniwalang isa kang psychopath. Na wala kang konsensya!”
Napatigin siya sa lalaki.
“But you know what Mckenzie, I believe you are innocent. Na ang pag-amin mong ito sa krimen ay para pagtakpan lamang ang tunay na kriminal.”
“My father is innocent! Wala siyang kinalaman dito!”
“I know that your father is innocent. But someone in the Wainwright mansion is not innocent.”
“I don’t know what you mean. At wala akong pinoprotektahan. Ako ang talagang may kasalanan. Ako ang dapat na maparusahan.”
“Stupid innocent boy.” komento nito. “Everyone is convinced that you are a murderer. Pinagtatalunan ngayon kung lilitisin ka bilang isang juvenile or as an adult. . If you get tried as an adult, which is the most likely scenario dahil sa ginawa mong confession, life imprisonment ang naghihintay sa iyo. You will never see the outside world again. Sa kulungan ka na mamamatay. Nakahanda ka bang isakripisyo ang iyong future at buhay para maprotektahan lamang ang tunay na killer?”
Hindi siya umimik. Di niya maaaring ipahamak si Helena. Sobra-sobra na ang dinanas nitong paghihirap. At kung ang magiging kahulugan ng pananahimik niya ay kalayaan nito at pagkakaroon ng bagong kinabukasan, tatanggapin niya ang ganoong kapalaran.
Isang maliit na tabletas ang ini-abot nito sa kanya.
“If you really want to die in prison, here, take this. It’s poison. At least kung mamatay ka ngayon, hindi na magsa-suffer pa sa anumang kahihiyan ang mga magulang mo. Matitigil na din ang media sa pagkondena sa iyo. You won’t die a convicted killer but only as a suspect. You won’t need to suffer any trial kung saan patuloy mong maririnig ang pagiging isang murderer mo. Hindi ka na rin makakaranas pa ng paghihirap sa kulungan.”
Kinuha niya ang tabletas at nilunok. Nang ibalik siya sa kanyang selda ay saka niya naramdaman ang epekto ng lason. Unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata.
Nang magmulat siya ng mata ay nagtapuan niya ang sarili na nasa isang kuwarto. Bumangon siya. Maliwanag ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Naulinigan niya ang pagbubukas ng pintuan. Lumingon siya. Nakita niya doon si Mr. Lucius Broccoli.
“Finally, nawala na din ang epekto ng drug.”
“Anong nangyari? Nasaan ako?”
“You died. Or at least, iyon ang inakala ng lahat. You were given a proper burial. Kaya’t sa pag-aakala ng lahat sa United Kingdom ay patay na ang devil child. But the truth is, we smuggled you here in France. Dito ay magkakaroon ka ng bagong buhay.”
“Bakit mo ito ginawa Mr. Broccoli?”
“Because you are innocent. Because there is goodness in your heart. At dahil nakahanda kang isakripisyo ang sarili para protektahan ang ibang tao.”
Hindi siya naka-imik.
“Don’t worry about your parents. Mas magiging maganda na ang buhay nila kung iisipin nilang patay ka na. They can start a new life. Tulad mo. Isang bagong buhay ang naghihintay sa iyo dito. From now on, I will train you.”
“Train?”
“I will train you how to protect others nang di kailangang ipahamak ang iyong sarili. And since di mo na magagamit pa ang pangalang Mckenzie, pansamantala ay bibigyan kita ng bagong pangalan until the time na maka-isip ka ng pangalang babagay sa iyo.”
“Ano ang magiging pangalan ko?”
“You will be Vishnu. And please stop calling me Mr. Broccoli. That’s the name my butler Calais made me use to be able to see you in prison. Call me Mason.”