Hugh Jackman, the guy who inspired how Mason Regero looks.
Mason and Trois unedited Blackthorn excerpt by Arielle
*This is how Mason met and adapted Trois.
ISANG buwan nang sinusundan ni Mason Regero si Roberto Tiongson. Wanted for rape and murder ng isang menor de edad ang lalaki ngunit dahil malakas ang kapit nito sa isang pulitiko ay nakapag-piyansa ito. Na-lift din ang hold departure order nito kaya nakatakas ito ng Pilipinas at ngayon ay naninirahan na sa US under a new name. Malabo nang mahabol pa ito ng Philippine law na most of the time ay pinaglalaruan lamang ng mayayaman at maipluwensya.
Ang mga magulang ng dalagitang naging biktima nito ay naghahanap ng katarungan sa kahit na anong paraan. Isa sa mga naging clients niya sa Pilipinas ang nag-refer ng kanyang pangalan sa mag-asawa.
Middle class ang mag-asawa. Ngunit nagbenta ang mga ito ng mga ari-arian para mabayaran ang initial fee niya. Simple lang ang gusto ng mga ito, that he hunts and kill Tiongson.
Mahal talaga siyang maningil. Ngunit hindi dahil sa mahalaga sa kanya ang pera. Gusto niyang makita ang determinasyon ng mga naghahanap ng hustisya. After all, hindi basta-basta kayang gawin ng isang tao ang magpapatay ng kapwa tao. The motivation must be justified and the desire must be great. Kung makakapagbigay sa kanya ang isang naghahanap ng katarungan ng initial fee niya, malinaw ang determinasyon nito.
But in the end, after na maisakatuparan niya ang paglalapat ng kaparusahan sa mga criminals na tulad ni Tiongson, ibinabalik niya ang perang ibinayad sa kanya ng mga clients niya. Ang bayad sa kanyang serbisyo ay kinukuha niya sa pera at pagmamay-ari ng target niyang criminal.
Sa pag-iimbestiga niya, nalaman niyang ang trabaho ni Tiongson sa US ay kahalintulad din ng trabaho niya. But unlike him, kahit sino ay pinapatay nito for the right price.
Pero ngayong gabi ay magtatapos na ang kasamaan ng lalaki. Inabangan niya ang pag-alis nito sa tinutuluyang apartment. Two days ago ay nilagyan na niya ng tracking bug ang kotse nito. Kahit saan ito magpunta ngayon ay masusundan niya. Isang aksidente ang mangyayari ngayon sa lalaki na kikitil sa buhay nito.
Kailangan lamang niyang hintayin ang tamang pagkakataon.
Isang oras na niyang sinusundan ang lalaki nang biglang magluko ang kanyang rental car! Dali-dali siyang naghanap ng kotseng magagamit. Ang kotseng nakaparada sa isang tabi ang nagsilbing sasakyan niya. Bukas na niya iyon isosoli.
Natunton niya si Tiongson sa loob ng isang subdivision. Agad niyang natagpuan ang kotse nito. Pero wala na doon ang target niya. Dalawang bahay lamang ang malapit sa kinaroroonan ng sasakyan. Madilim at mukhang walang tao ang isa. Mula sa kinaroroonan ay dinig na niya ang malakas na volume ng TV na nagmumula sa bahay na may ilaw.
Isang black van ang napansin niyang nasa may di kalayuan ng bahay. Nakatatak sa gilid ng van ang pangalan ng isang electric company. Ngunit madilim ang loob ng van. Wala din itong hazard light.
Kinutuban siya ng masama. Inilabas niya ang kanyang glock 30. Ito ang dinala niyang baril dahil madali itong itago at mabilis gamitin. Nilapitan niya ang van, kinatok. Noon niya napansin ang mga bullet holes sa bintana. Ginamitan niya ng dalang penlight ang loob ng van. Patay na ang dalawang lalaki na naroroon!
“Damn!” tiyak na kagagawan ito ni Tiongson. Ang dalawa bang ito ang target nito? Binuksan niya ang van at hinanapan ng id ang dalawang lalaki. Napatiim siya ng bagang nang makita ang mga FBI badges ng mga ito. Mga bantay ang dalawa!
Sinulyapan niya ang bahay na pinagmumulan ng malakas na sound mula sa TV. Nasisiguro niyang ang mga nasa loob noon ang binabantayan o sinusubaybayan ng mga agents na ito.
Hindi na siya nagdalawang isip. Takbo siya papunta sa bahay. Sa may likuran siya dumaan. Pagpasok niya sa kitchen ay agad niyang nakita ang isang babaeng may red hair na nakahandusay sa kitchen floor. Patay na ito at naliligo sa dugo. May tama ng bala sa ulo. Sa salas, isang lalaki na may Hispanic features ang naka-upo sa harap ng TV. May bala din ito sa ulo. Sa may di kalayuan ay natagpuan niya ang isang FBI agent na babae na nakasubsob sa sahig. Wala na din itong buhay.
Ngayon ay malinaw na sa kanya na ang bahay na ito ay isang safehouse. Tiyak na ang lalaki o ang babae sa kitchen ay mga witnesses na prinoprotektahan ng mga agents. At ang mga witnesses na ito ang target ni Tiongson!
Mula sa second floor ng bahay ay naulinigan niya ang mga yabag. Inihanda niya ang kanyang baril. Naririto pa din si Tiongson!
“You little bitch! Where are you!” naulinigan niyang sigaw ni Tiongson sa second floor. Hindi pa tapos ang trabaho nito.
Kumilos siya. Umakyat ng hagdan. Agad niyang na-locate ang kinaroonan ni Tiongson. Nabigla ito nang makita siya.
Dalawang bala ang pinawalan niya. Sapul sa ulo at sa didbib ito. Gusto sana niyang palabasin na aksidente ang kamatayan nito, pero di na niya ito mapapayagang makalabas pa ng buhay sa bahay na ito.
Isa sa mga kuwarto doon ang bahagyang nakabukas. Nasulyapan niya ang isang binatilyo na may headphones sa ulo. Nakasubsob ito sa study table. Wala na ding buhay.
Napangiwi siya. Kung hindi siya nasiraan ng kotse, hindi ito mangyayari. Sa klase ng trabaho niya, hindi siya naaapektuhan ng pagpatay niya sa mga criminal. Ngunit ang kamatayan ng mga taong inosente…
Inalis niya ang tingin sa binatilyo. Nilapitan si Tiongson. Kinunan ng litrato. Ang larawan ang magsisilbing proof niya sa kanyang mga clients na nagawa na niya ang kanyang trabaho. Na nakamit na ng mga ito ang katarungan.
Noon niya napansin ang dugo sa kaliwang paa nito. May lumaban dito.
Isang kaluskos ang naulinigan niya sa may ulunan niya. Bumigay ang kisame. Isang batang babae na may red hair at naka-green dress ang bumagsak mula doon!
Agad itong tumayo. Hawak-hawak nito ang isang duguang kutsilyo. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata nito. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ng bata ngunit ini-umang nito sa kanya ang kutsilyo. Malinaw na lalaban ito at ipagtatanggol ang sarili.
“You are safe kid. He’s dead.” aniya dito bago niya ito tinalikuran.
Nagtungo siya sa may hagdanan. Tatawag siya ng 911 para may umasikaso sa bata. Sinulyapan niya ito. Nagulat siya nang ubod lakas nitong itarak sa dibdib ni Tiongson ang hawak nitong kutsilyo.
Kakaibang bata. Malakas ang loob. At di takot kay kamatayan.
Bumaba siya ng hagdan. Lumabas ng bahay. Tatawag na sana siya sa 911 gamit ang kanyang disposable cellphone nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya.
Ang batang babae. Sa kabila ng dugo at luha, nakita niya ang kakaibang determination sa mukha nito.
“Stay here. May darating na mga tutulong sa iyo.”
“K-Kung naging malakas ako, kung marunong lang sana akong lumaban…naipagtanggol ko ang pamilya ko…”
Nabigla siya. Filipino ang ginamit na salita ng bata! Buong akala niya ay Hispanics ang ama nito. Ngunit mukhang may lahing Filipino ang isa sa mga magulang ng bata.
“Go back.” utos niya dito.
Nagbalik sa isipan niya ang anak niyang si Rageon. Halos kasing edad lang siguro ito ng batang babae. Pero ligtas ito. Prinoprotektahan at minamahal nina Sebastian at Shandra. Rageon will never suffer like this.
Umiling ito. Lumapit sa kanya. Humawak sa pantalon niya.
“My family is gone.”
Napabuntonghininga siya. Nanatili itong nakatingin sa kanya. Malinaw na may kung anong attachment itong na-form sa kanya. Nakikita ba nito sa kanya ang isang tagapagligtas?
“Gusto kong maging tulad mo!” madiin nitong pahayag. “Malakas. At kayang labanan ang kahit na sino!”
Mason vs Rageon unedited Blackthorn excerpt by Arielle
*Mason and Rageon, though father and son often treat each other as rivals for the affection of the women in their lives.
NAGLAHONG parang bula si Trois. Walang sinumang nakaka-alam kung nasaan na ito. No trace at all! Kahit na ang mga tao sa Club 56 ay di alam kung nasaan na ito. Dahil doon ay kinailangang kontakin ni Rageon si Mason. He knew na kung meron mang nakaka-alam o makaka-hanap sa dalaga, iyon ay ang lalaki. He left messages in Club 56 at kina Sir River since alam niyang kahit paano ay may contact ang mga iyon sa lalaki.
Mula nang malaman niya na ito ang tunay niyang ama, hindi siya nagkaroon ng interes na makita ito o makilala. Ang anumang impormasyon na nalalaman niya tungkol sa lalaki ay mula lamang sa mga kuwento ni Trois. He doesn’t hate the man. He also doesn’t love him. At wala siyang pakialam sa klase ng buhay nito o sa anumang pinagkaka-abalahan nito.
But Mason Regero had always been a presence. Pakiramdam niya ay nasa tabi lamang niya ito. Pero hindi pa niya ito nakikita o nakaka-usap. He has heard about his description from his mother Shandra at ganoon din sa father niyang si Sebastian. Magka-iba ang tingin ng dalawa. Negative ang dating ni Mason sa daddy niya, positive naman sa mommy niya.
And Trois, whenever Trois talks about Mason, laging may respeto.
After na mag-iwan siya ng mga messages sa lalaki, nakatanggap na lamang siya ng email mula dito. Nasa email ang isang map ng Alaska. May x mark. At may nakalagay na pangalang Trois Velez. Ang tanging nakasulat sa email ay ang mga salitang, ‘You owe me Rageon.’
Bagama’t di sinabi ng messange sender kung sino ito, di siya maaring magkamali na si Mason iyon.
Dalawang magkasunod na tunog ng doorbell ang nagpabalikwas sa kanya at pumutol sa pagsisintimyento niya! Takbo siya sa pintuan. It must be Trois! Tiyak na nagbalik ang dalaga! Na-miss din siya nito! Which could only mean na may feelings ito sa kanya!
Mabilis niyang binuksan ang pintuan. Ngunit imbis na ang dalaga ang makita niyang nakatayo doon, ang nakita niya ay isang lalaki.
Isang lalaking kasing tangkad niya at kasing-katawan. Ngunit higit na mas malaki ang mga masels nito sa braso. Agad din niyang napansin ang dark fierce eyes nito. Nagkahinala siya sa kung sino ang kaharap.
“You owe me.” pagpapa-ala-ala nito sa ginawa nitong pagtuturo sa kanya sa kinaroroonan ni Trois.
“Ngayon ka na ba maniningil Mason?”
“I will give you five minutes to pack. Kailangan nating maka-alis agad.”
“Saan tayo pupunta?”
“Four minutes and a half. Pag natapos ang four minutes at di ka pa rin nakakapag-impake, I am going to drag you as you are.” babala nito.
Malinaw na nakuha ni Trois ang pagiging bossy sa lalaki. Tinalikuran niya ito. Lagi siyang may nakahandang packed bag dahil normal na sa kanila ni Trois ang nagpupunta kung saan-saan.
Nagbihis lang siya. Nagsuot ng boots. In two minutes ay naka-handa na siya. Ginagawa niya ito para mabayaran na niya ang utang na loob sa lalaki. Pero kung ina-akala nito na basta-basta na lamang siya susunod sa gusto nito, nagkakamali ito.