Love Months
First Printing 2009
Nang magpasya ang mga kapatid ni Cannon James Earl Santiago na ihanap siya ng mapapangasawa ay wala siyang nagawa kundi sundin ang mga ito.
Kakaiba ang paraan ng matchmaking na ginawa ng mga kapatid niya. Ang bawat isa ay ipapakilala siya sa babaeng para dito ay karapat-dapat sa kanya. Sa loob ng isang buwan ay titira sa bahay niya ang isa sa mga babae para makilala niya ito nang husto. Oras na makilala niya ang babae ay saka siya magdedesisyon kung sino sa mga ito ang mamahalin at pakakasalan niya.
Hindi naging mahirap para sa kanya ang pumili. Unfortunately, nagkaroon siya ng amnesia. Hindi niya matandaan kung sino sa mga babae ang minahal niya!

Reel Romance
First Printing 2009
Mahiyain at geek si Dr. Lawrence Lancaster. Si Matthew Hendrick naman ay isang sikat na modelo at oozing with self-confidence. Magkaibang-magkaiba man sila, isang babae lamang ang bumihag sa kanilang mga puso--si Eva Constantinides.
Pero maliban sa pangalan ay kapwa wala na silang alam tungkol sa dalaga. Masyadong misteryosa ito. Sa katunayan, hindi nila alam kung saan hahanapin ito.
Bigla na lamang kasi itong naglaho!

Green Meadows
First Printing 2009
Nagtago sa mundo si Lyfe Carillo dahil sa isang trahedya. Inihanda niya ang sarili sa isang buhay ng pag-iisa at walang pag-ibig. Naniniwala kasi siyang walang lalaking magmamahal pa sa isang tulad niya.
Ngunit nakilala niya si Sven Bernardo. Guwapo ang lalaki, matikas, at puno ng buhay. Ayaw man niya ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito.
Wala siyang kamalay-malay na sinadya ni Sven na paibigin siya dahil sa isang lihim… isang lihim na may kinalaman sa bagay na ginawa niya noong hinahangaan at minamahal siya ng lahat ng lalaki.

Morena (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2009
Dalawa lamang ang dahilan ni Bowden Gerickson sa pagbabalik niya sa Pilipinas: una ay para kunin ang gintong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama, at ikalawa ay para singilin si Alusia sa kasalanan nito.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang si Alusia ngayon ang “morena” na tribung sumagip sa kanya noon. Ang morena ang nagsisilbing tagapayo at manggagamot ng tribu. Bukod doon may immunity ito sa batas. Lahat ng sabihin nito ay dapat sundin ng buong tribu. Kaya nitong baligtarin ang totoo at iutos ang kamatayan niya.
Ang tanging paraan para makuha niya ang hustisya ay kung mapapaalis niya si Alusia sa pagiging morena. Pero magagawa niya lamang iyon kung makukuha niya ang pagkababae nito.
Kailangan kasing dalisay ang isang morena…

Courtesan
First Printing 2009
Tahimik at masayang namumuhay si Shandra sa Plymouth. Kinalimutan at tinakasan na niya ang kanyang nakaraan. Ngunit sa pagdating ni Sebastian Vitto II, hindi lamang nagbalik ang nakaraan niya, nanganib na masira maging ang kinabukasan niya.
Nagbanta kasi ito na sisisirain ang buhay at reputasyon niya kung hindi siya papayag na maging asawa nito at maging ina ng anak nito.
Simple lamang ang dahilan nito. Siya ang pagbabayarin nito sa kasalanang ginawa ni Mason, ang unang lalaking inibig niya…
Click here to read excerpt

Prince Solace (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2010
Bata pa si Lace ay napapanaginipan na niya ang isang matapang na prinsipe na nagngangalang "Prince Solace." Dahil sa madalas na pananaginip niya ay inakala niyang reincarnation siya ng lalaki. Kaya naman hindi siya sanay na umastang babae. Idagdag pang lalaki ang best friend niya at madalas na panlalaking sports ang nakakahiligan nila.
Sa kung anong dahilan ay tila konektado ang buhay niya at ang buhay ng best friend niyang si Max sa prinsipeng napapanagipan niya. Tila sila ang modern-day version ng panaginip niya. Kung sa panaginip ay siya si Prince Solace, ito naman ang sorceress na kalaban ni Prince Solace. Kaya kahit gaano man kamahal ng sorceress si Prince Solace ay hindi maaring magkatuluyan ang mga ito. Mukhang ganoon din sa tunay ang takbo ng relasyon nila ni Max. Kailanman yata ay hindi siya ituturing nito na higit pa sa pagiging kaibigan.

No Compromise
First Printing 2010
Sa loob ng labing-isang taon ay nagtrabaho si Liora bilang mayordoma ng multibillionaire na si Conrado Gaspar. Bago ito namatay ay nakiusap ito sa kanya na gabayan niya si Fortune, ang naging pasaway na anak nito. Naglayas kasi ang binata noon at ngayon lamang nagbalik.
Ang anumang pangamba at takot niya at ng iba pang mga kasambahay sa mansiyon sa pagdating ng bagong amo nila ay napawi nang sa wakas ay makilala nila si Fortune. Napakaguwapo, mabait, at maunawain ito. Yumaman ito sa sariling pagsisikap.
Ngunit ang pagdating nito sa mansiyon ay gumulo nang labis sa isip at damdamin niya. Ngayon lamang niya nakilala ito ngunit animo binuksan ng presensiya nito ang mga nakatagong alaala sa isip niya.
Kasama roon ang pagsumpa nitong mamahalin siya nito habang- buhay…

Lifemate
First Printing 2010
Hindi inakala ni True na ang pagkukrus ng mga landas nila ni Random ay maghahatid ng maraming pagbabago sa buhay niya. Animo itinakda ng tadhana ang pagkikita nila dahil hindi niya kailanman naisip na sa pamamagitan nito ay mapapadpad siya sa New York City. Wala siyang alam tungkol dito maliban sa amo ito ng best friend niya.
Hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya nang mapagkamalan siyang sangkot sa isang krimen. Kaya nang magkaproblema ito ay hindi rin siya nagdalawang-isip na tulungan ito – kahit pa nang matuklasan niya ang napakadilim at pinakatatagu-tagong lihim ng pamilya nito!
Base sa takbo ng mga pangyayari, may dahilan kaya pinagtagpo sila. Hindi kaya sila ang nakatakda para sa isa’t-isa?

Inspiration
First Printing 2010
Dahil sa mga nasaksihang kabiguan sa buhay-pag-ibig ng ina at mga kaibigan ay nagpasya si Radiance na protektahan at ikandado ang kanyang puso. Sumumpa siyang hindi siya kailanman magmamahal ng lalaki.
Hanggang sa makilala niya ang eccentric novelist na si Mac Macario. Gusto nitong kunin ang serbisyo niya bilang abogado. Ngunit ang ipinagtataka niya ay tila hindi naman ito masyadong concerned sa kaso nito. Mas inuuna pa kasi nito ang pagsusulat ng nobela. Ang masaklap pa ay siya ang ginawa nitong heroine doon at ang hero ay walang iba kundi ang bodyguard nitong si DJ.
Hanggang sa malaman niya ang totoong intensiyon ni Mac. Gusto nitong isabuhay nila ni DJ ang mga isinulat nito!