Crisis Management Team Series
Meet the team:
Rolf Hernandez
Cold, ruthless and ambitious; ang leader ng team, walang sinumang maaring sumuway sa kanyang mga plano at desisyon. Isang babae lamang ang tanging mahal niya ngunit kahit kailan ay hindi maaaring maging kanya.
Colt Cuevas
Charming, noble and dedicated; negotiator ng team. Ngunit hindi siya naniniwala sa pag-ibig, para sa kanya, ito ay isang ilusyon lamang.
Ford Leon
Brave, efficient, but driven by guilt; ang security man at weapons expert. Sumumpa siyang kahit kailan ay hindi na iibig.
Jack “Trigger” Madrid
Young, defiant and idealistic; ang all-around news and information guy. Wala rin siyang karapatan na magmahal o mahalin.

“The Crisis Management Team” is a nine-book series. Tungkol ito sa mga adventures nina Rolf, Colt, Ford at Trigger as they try to save a dying business empire, ang Gibraltar Enterprises, Inc.
Normal sa isang malaking business corporation ang lumikha ng isang crisis management team para ma-solve ang anumang problemang kinakaharap ng korporasyon. But these teams usually solve the problems within the boundaries of the law.
Ang Crisis Management Team ni Rolf ay hindi ganoon. The members break laws, meddles in people's lives, creates crises, at kung anu-ano pa. Hindi sila iyong ideal team in normal business corporations.
In fact, I don't think mayroong crisis management team na tulad ng sa kanila. Produkto lamang sila ng isip ko. And I had a lot of fun writing about them. I hope na masiyahan din kayo sa kanilang mga upcoming adventures and misadventures in a world of business intrigues spiced with romance.

Book 1 - Sinful Debts
First Printing 2003
Pangarap ni Maja na ma-promote sa kanyang pinapasukang trabaho. At alam niyang malaki ang maitutulong sa career niya ng higanteng kompanya, ang Gibraltar Enterprises, Inc.
Ngunit nabulilyaso iyon nang sapilitan siyang ipakasal ng kanyang ama kay Tyler Abelarde—ang anak ni Jefferson Abelarde na pinalabas niyang nagsamantala sa kanya upang makaiwas sa isang lalaking hindi niya mahal.
Napagkasunduan nila ni Tyler na hanggang sa papel lamang ang kanilang pagiging mag-asawa. Ngunit bakit nagseselos siya sa dating girlfriend nito? Bakit nang minsan siyang halikan nito ay halos manlambot ang kanyang mga tuhod? At lalong bakit handa siyang masangkot sa gulong kabuntot ng pagkatao ng isang Tyler Abelarde?

Book 2 - Stolen Memories
First Printing 2003
May problema sa pakikipagrelasyon si Suez—hindi niya nagawang maging intimate sa kanyang dalawang naging nobyo. Pakiramdam niya ay parang nagtataksil siya kapag ginawa niya iyon. Hindi niya gustong isipin na may kinalaman doon ang pagkakaroon niya ng partial amnesia. Dalawang taon ang nawala sa kanyang alaala.
Lalong nagulo ang kanyang sistema nang makilala niya si Atty. Jerad Arzaga. Nalilito siya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Parang matagal na niya itong kilala.
Hanggang sa nabuksan ang isang matagal nang lihim. Si Jerad ang lalaking nagbigay sa kanya ng mapusok na pag-ibig sa panahong nawaglit sa isip niya. Ngunit mukhang kahit gustuhin niya ay hindi na madudugtungan ang pagmamahalan nila dahil parang hindi na niya maramdaman ang pag-ibig nito sa kanya noon...

Book 3 - Insured for Love
First Printing 2003
Masakit para kay Vienna na matuklasan niyang walang kahihinatnan ang nararamdaman niya kay Colt Cuevas dahil sadyang hindi siya nito gusto. Idagdag pa roon ang pagtatangka sa buhay niya ng taong galit sa kanyang Kuya Ford.
Sa masalimuot na pangyayaring iyon sa buhay niya sumulpot si Gal Javier—ang insurance investigator na humahawak sa insurance claim pamilya sa pagyao ng kanyang ama. Ang presensya nito ay nagpagulo sa kanyang buhay—lalo na sa kanyang puso.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, natagpuan na lamang niya ang sariling kasal dito gayong dalawang beses pa lamang silang nagkakaharap. May mga taong nagmanipula ng lahat upang matali siya rito.
Ngunit nang malasap niya ang matamis na halik nito, bigla ay lumipad ang anumang nararamdaman niya kay Colt, kahit na sa gitna ng paghalik nito sa kanya ay tinulugan siya nito!

Book 4 - Promise Bound
First Printing 2003
Ang prinsesa ng tribung Dansaling na si Amaru ang tanging nakaligtas sa panunugod ng mga tagakapatagan. Sa kanyang lakas-loob na pagbaba sa kapatagan ay ipinangako niyang pagbabayarin ang mga taong may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang mga katribu.
Kasabay ng pagpunta niya sa kapatagan ay ang paghahanap niya sa hindi nakikilalang asawang si Arid, na ipinakasal sa kanya noon. May batas sa kanilang tribu na kailangang magampanan ng isang lalaki ang responsibilidad nito sa asawa. Sa madaling salita, kailangan ma-consummate ang kanilang matrimonyo.
Upang maitago ang angking kagandahan ay nagpanggap siyang taong-grasa. Bumagsak siya sa mapagpalang kamay ni Trigger Madrid na siya ring unang nakatuklas sa kanyang pagiging magandang babae!
Kasabay niyon ay natuklasan niyang ito rin ang binatilyong ipinakasal sa kanya noon sa kanilang tribu. At determinado siyang igiit dito ang pagiging asawa nito sa kanya...

Book 5 - Gambler's Luck
First Printing 2003
Isang malaking asset si Ezra sa Gibraltar. She was smart, intelligent but has an ordinary face. Sa edad niyang beinte otso pakiramdam niya ay wala nang magkakagusto sa kanya na isang guwapong lalaki na noon ay laging nasa kanyang pangarap.
Ngunit desidido siyang kahit man lamang minsan ay maranasan niyang ibigin siya ng isang Colt Cuevas. Plinano niya ang lahat—nilagyan ng pampatulog ang inumin nito at pinasok niya ito sa madilim na silid. Pinakalihim-lihim niya ang gabing iyon ng kanyang kahibangan.
Samantala, nagawa niya ang assignment niyang maging espiya sa kompanyang pinamamahalaan ni Ridge Yuzon—ang lalaking dahilan ng pasumandaling pagkalimot niya kay Colt. Ngunit tila galit ito sa mundo.
At halos himatayin siya nang malamang ito ang pinagbigyan niya ng kanyang sarili at hindi si Colt Cuevas!
Mukhang wala nang balak si Ridge na pakawalan siya. She was imprisoned by his sensual revenge. Ito ang tanging nakakakita sa kanya bilang isang magandang babae...

Book 6 - Dark Passions
First Printing 2003
Kapalit ng muling pagbabalik ng paningin ni Savannah ay ang maging pag-aari ng isang lalaking nagngangalang “Colt Cuevas” sa loob ng tatlong buwan. Wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito ngunit hindi niya maikakaila sa sariling hindi niya ipagpapalit ang karanasang naramdaman niya sa mga panahong nasa mga bisig siya nito.
Hindi pa man siya naooperahan ay biglang naglaho si Colt Cuevas sa buhay niya. Ngunit sa kabila ng paglipas ng mga taon ay hindi niya ito nagawang kalimutan. Kaya sa kagustuhang Makita man lang ang hitsura nito, naglakas-loob siyang puntahan ito nang malaman niya ang kinaroroonan nito.
At nanlumo siya sa kanyang mga natuklasan. Dahil Si Colt Cuevas ay hindi isang basta-bastang lalaki. Guwapo, mayaman, edukado, at mga babae ang naghahabol dito. Gustuhin man niyang makapasok sa puso nito ay imposible dahil ang tipo nito ay hindi naniniwala sa pag-ibig at kasal...

Book 7 - Perfectly Imperfect
First Printing 2003
Unang engkuwentro pa lamang ni Circe kay Ford Leon ay di na maganda. Inis siya sa lalaki. Dahil dito ay pumalpak siya bilang magaling na bodyguard sa unang pagkakataon.
But he was also a challenge to her. He was deadly handsome and his genes would be perfect for her child! Kaya naman ginawa niya ang lahat ng paraan para makakuha ng binhi nito.
Subalit napatunayan niyang hindi pala ganoon kadaling ma-involve sa isang tulad ni Ford Leon, lalo na ang ma-penetrate ang puso nito. Ni-reject nito ang inihahandog niyang pag-ibig dito! He said to her, he couldn't love any woman.
Hanggang sa natuklasan niya ang dahilan: dalawang babae ang nagdaan sa buhay nito minahal nito na kahit na minahal nito ay nawala pa din sa mga kamay nito.
Magagawa bang paghilumin ng pag-ibig niya ang sugatang puso ni Ford?

Book 8 - Truthseekers
First Printing 2003
Kakaiba ang paraan ng pagkakakilala ng mag-partners sa detective agency na sina Jhean at Sommers. They were two people who came from two different worlds, pero pagdating sa business ay magkasundong-magksundo sila.
Ngunit may isa pang hindi alam si Sommers tungkol kay Jhean—na siya ay isang tunay na babae at nagpapanggap lamang na lalaki.
Sa pagdating ng isang Ariz sa buhay nila, napilitan si Jhean na ilabas ang kanyang pagiging isang babae. Sa tulong nito ay inilanted niya ang tunay na Jhean—na hindi lamang siya isang babae kundi isang maganda at kaakit-akit na babae...
Hinding-hindi niya makakalimutan ang reaksyon ni Sommers sa pagkakakita sa kanya... At ang purely business relationship nila ay nahaluan ng masidhi at maapoy na paghahangad para sa isa't-isa.

Book 9 - Keeper of the Heart
First Printing 2003
Rolf Hernandez: leader ng Crisis Management Team. Sa una ay inakala ng lahat na isa siyang masamang tao. At sa kabila ng maraming girlfriends na dumaan sa buhay niya, iisang babae lamang ang minahal niya—Si Ariz.
Ariz Marciano: dalagang may kakaibang fashion sense. Ang hindi alam ng lahat, ginagawa lamang niya iyon upang itago ang kanyang kagandahang inilaan kay Rolf...
Muntik nang maunsiyami ang pag-uumpisa pa lamang ng kanilang pag-iibigan nang papaniwalain sila ng ama ni Rolf na sila ay magkapatid. At kung kailan napatunayan nilang isang malaking kasinungalingan iyon ay saka naman sumulpot ang ama ni Rolf na si Alejandro na nakatakdang bawiin ang pamamahala sa Gibraltar mula sa binata.
Ang sumunod ay ang isa-isang pagsambulat ng mga katotohanang susubok sa katatagan ni Rolf at pag-iibigan nila...