La Guarja Series
First of all, let me assure all of my readers na ako ang tunay at original na si Arielle (author ng "Guevarra Family", "Brotherhood of Wings", "Phoenix Saga", etc.).
Mula ngayon ay sa Precious Hearts Romances na lalabas ang mga bago kong nobela. Una na rito ang "La Guarja" series.
I hope na patuloy ko kayong mabigyan ng kasiyahan sa tulong ng Precious Pages Corporation.

Book One - Pagkatapos Ng Panaginip
First Printing 2002
May isang guwapong lalaking nagngangalang "Michael" na nananahan sa mga panaginip ni Elsie—at alam niya, mula pagkabata, na ang lalaking ito ang itinadhana sa kanyang pakamamahalin niya habang-buhay.
Nang malaman niyang ampon siya at pinag-iinteresan siya ng kanyang foster brother ay nagpasya siyang hanapin ang lalaki sa kanyang panaginip.
Natagpuan niya si Ryder—ang lalaking nagpalasap sa kanya ng tamis ng unang halik, na taliwas sa inaasahan niya, dahil ang lalaki sa kanyang panaginip dapat ang unang makahalik sa kanya ...
Nang sa bandang huli ay natagpuan niya si Michael, huli na para bawiin niya ang kanyang pag-ibig kay Ryder ...

Book Two - Ang Lahat... Para Sa Pag-ibig
First Printing 2002
Nabuhay si Gabriel sa isang mundo ng karangyaan. Isang mundong malamig, walang pinahahalagahan, walang sinasanto. Nakatakda siyang maging makapangyarihan sa mundong ito dahil sa taglay niyang kayamanan.
Ngunit iglap, ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan niya ay nawala.
Natagpuan din niya ang sarili na bihag ng limang magagandang babae. Mula sa pagiging amo at tila hari ay bumagsak siya sa pagiging isang ordinaryong utusan na nakasalalay ang buhay at kapalaran sa desisyon ng babaeng labis niyang kinamumuhian.

Book Three - Katumbas Ng Buhay
First Printing 2002
Nagpunta sa Japan si Akira upang kunin ang mga ari-ariang naiwan ng kanyang namayapang ina—at hindi sinasadyang nakuha niya ang shishi kuro, isang pigurin na sagrado sa isang organisasyong kilalang walang sinasanto.
'Di nagluwat ay nagsimulang manganib ang kanyang buhay. Si Ishmael Cristobal, isang half Filipino-half Japanese, ang katana na naatasang bawiin mula sa kanya ang shishi kuro.
Taglay ang maamong mukha, taglay rin ng binata ang matatag na pagkatao batay sa prinsipyo ng kinaaaniban nitong grupo.
Dapat ay katakutan ni Akira ang pagkataong iyon—ngunit bakit iyon pa ang nakapagpalambot sa matigas niyang puso?

Book Four - Lover's Vow
First Printing 2002
Sa edad na trese ay ginawang boyfriend ni Joanna La Guarja si Raphael.
Dalawang panunumpa rin ang kinuha niya mula sa binatilyo: una—mamahalin siya nito kahit ano ang mangyari; pangalawa—pakasalan siya pagdating nito sa tamang edad.
Ngunit sa pagbibinata ng kanyang boyfriend ay natuklasan niyang hindi na nito maisasakatuparan pa ang mga pangako nito sa kanya.
Nasuong ito sa isang kaganapang hindi nito inaasahan—dahilan upang mapoot dito ang kanyang amang si Michael.

Book Five - Isang Pusong Akin
First Printing 2002
Sa limang babaeng La Guarja, si July lamang ang nag-iba ng landas sa larangan ng pag-ibig. Nagmahal siya sa isang lalaking kahit kailan ay hindi magdadala sa kanya sa harap ng altar ng matrimonya—si Justin Brand.
Nasasakupan si Justin ng family rule na hindi ito mag-aasawa ng inferior na lahi sa Caucasian race nito.
Sa pagnanais na makapiling man lang ito nang ilang panahon, pumayag si July na maging kaulayaw nito sa mga sandaling hindi pa nito natatagpuan ang ideal wife nito.
Ipinaubaya niya sa Tadhana ang kapalaran ng relasyon niya sa binata—maliban na lang kung makikialam na naman si Michael...

Book Six - Love's Redemption
First Printing 2003
Dala ng family restrictions ay nag-disguise si Arabella—at bilang si Deanna Hayden ay nakilala niya si Michael La Guarja.
Sa pagkadismaya niya, little sister lamang ang tingin nito sa kanya—hanggang sa ipalasap niya rito ang basal niyang mga labi.
Ngunit bago umusbong ang sana ay matamis na pag-iibigan sa pagitan nila ay nakagawa ang binata ng sin of omission laban sa kanya. Naging dahilan upang kapootan niya ito.
Ang hindi niya inaasahan ay nang pumayag itong magpakasal sa kanya—maayos lamang ang gusot nilang dalawa. Iyon ay sa kabila ng katotohanang kahit kailan ay hindi siya nito mahal...

Book Seven - Hart's Guardian
First Printing 2003
Pinagsisihan ni Arabella ang ginawa niyang paghihiganti kay Michael La Guarja sa kabila ng katotohanang naiwasan iyon ng lalaki.
Ngunit muling sumiklab ang kanyang poot nang madiskubre niyang nag-disguise ito upang malaman nito ang tunay na itinitibok ng kanyang puso.
Dahil naipagkanulo na siya ng kanyang salita, pumayag siyang bumalik sa Hacienda Dureza sa piling ng minamahal.
Handa na siyang gampanan ang papel ng pagiging asawa ni Michael nang biglang sumipot si Jade Collins, ang babaeng unang minahal nito.
At batid niyang minsan lamang magmahal ng totoo ang isang La Guarja...