Legacy Series
Legacy is about seven boys na magkakapareho ang edad at kaarawan na inampon ng isang mayamang biyudo. Pagdating nila sa edad beinte-siyete anyos ay isa lamang sa kanila ang magiging tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng biyudo.
Bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng misyon kung saan susukatin, hindi lamang ang kanilang talino, lakas, at katatagan kundi maging ang kanilang pagkatao.

Book 1 - Dark Lover
Kinomisyon si Selene ng multibillionaire Chinese businessman na si Jason Loong para gawan ng tig-iisang portrait ang pitong anak nito.
Sa pagdating niya sa Villa Lucinda ay isa-isang nakilala niya ang pitong binatang anak nito. Wala siyang kamalay-malay na sa pagpunta niya roon ay malalagay siya sa isang pagsubok na ibinigay ni Jason Loong. At madadawit dito ang isa sa pitong lalaki.
Komplikado ang sitwasyon na nasuungan niya. Natuklasan niyang kailangan siyang umibig at magdalang-tao sa lalaking nagsasagawa ng misyon habang nananatiling lihim ang pagkatao nito.
Mautak at tuso ang binatang magpapaibig sa kanya. At ang kapalaran at puso niya ay malalagay sa palad nito.

Book 2 - Avenger's Shade
Mula nang magtrabaho si Ideale kay Omar bilang private pilot nito ay marami siyang natuklasang lihim sa buhay at paglatao nito. Dahil sa bawat pangyayari sa buhay nito ay lagging may ibang kahulugan
Kaya nang bigla na lamang siyang alukin nito ng kasal ay hindi niya malaman kung iyon ay isang biro o isang paglalaro.
Isa lamang ang nasisiguro niya- umiibig siya rito at hindi niya babalewalain ang pagkakataon na maging asawa nito.

Book 3 - Night Sentinel
Ang misyon ni Ydric ay mapasakamay niya ang Rancho Amadeo.
Ang misyon ni Leda ay mabawi ang rancho Amadeo sa umagaw niyon sa kanyang pamilya.
Isang business partnership ang nabuo sa pagitan nila. Sa pagwawakas ng kanilang mga misyon, dalawang bagay ang nakuha ni Leda sa binata- ang pangako nito ng pag-ibig at isang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ngunit naglaho ring parang bula si Ydric. Walang nakakaalam kung nasaan ito at kung ano ang nangyari dito.

Book 4 - Emerald Lies
Nagtagumpay si Gavin na matalo ang assassin na ipinadala ni Jason Loong. At muling nabigyan ng ikalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Wilma, ang dating girlfriend niya.
Maayos na ang lahat sa buhay at pag-ibig niya. Malapit na rin siyang ikasal. Ngunit sa biglang pagdating ng magandang biyuda na si Althea ay nagkagulu-gulo ang lahat.
Ipinipilit kasi nitong siya ang asawa nitong matagal nang namatay. Natagpuan tuloy niya ang sarili sa isang sitwasyong hindi niya matakasan o matanggihan. Dahil ginagawa ni Althea ang lahat para lamang mahalin niya ito.

Book 5 - Azure Challenge
Puno ng panlilinlang at pagbabalatkayo ang umpisa ng pag-iibigan nina Brick at Sehana.
Ngunit nanatiling matibay ang pagmamahal ni Sehana para sa binata. Tila walang makakatinag, hanggang sa kidnapin siya ng mortal na kaaway ni Brick.
Binago siya ng pangyayaring iyon. Naging malamig siya, matigas, at nawalan ng puwang ang pag-ibig sa kanyang puso.
Kakailanganin ni Brick ang lahat ng taglay nitong lakas, talino, at training na nakuha nito sa pagpapalaki ni Jason Loong upang muli ay mapatibok nito ang kanyang puso.

Book 6 - Indigo Ice
Lumaki si Darrean sa pangangalaga ng kanyang very eccentric na ninang na obsessed sa paghahanap ng lalaking ipapakasal sa kanya.
Nang matagpuan nito si Ice ay agad siyang i-i-in-et up nito ng date sa binata.
Ngunit kakaiba ang date na iyon. Dahil natagpuan niya ang sariling na-trap sa isang isolated island-kasama si Ice. At ang tanging suot niya ay isang kumot!
Ayon sa ninang niya ay hindi siya nito kukunin sa isla hangga't hindi niya napapaibig ang lalaki.

Book 7 - Violet Fires
Sa paghahanap ni Rae ng kasagutan sa misteryosong pagkamatay ng kanyang kapatid na si Sol ay kinailangan niyang hingin ang tulong ni Vega.
Ngunit hindi niya inakalang sa muling pagkikita nila ng binata ay matutuklasan niyang buhay pa rin ang pag-ibig niya para dito. Pero sa kabila niyon, nanatiling balewala pa rin siya para dito.
Lingid sa kanya, isang lihim ang pumipigil dito para mahalin siya. At para matuklasan niya ang lihim na iyon ay kakailanganin niyang lunukin ang kanyang pride at ipakita nang husto ang pagmamahal dito.

Book 8 - Dragon's Legacy
Napili na ang tagapagmana ng legacy ng ubod ng yaman na businessman na si Jason Loong. Ngunit hindi lang kayamanan ang nakuha ng tagapagmana kundi maging ang mortal na kaaway nito.
Sa pagdating ng panganib sa buhay ng pitong foster brothers, kailangan silang mag-kaisa at magtulungan upang mailigtas sa panganib ang mga mahal nila sa buhay.
Pero kakailanganing haraping mag-isa ng tagapagmana ang maganda at kaakit-akit na si Ch'ang O, ang assassin na siyang tatapos sa buhay at dudurog nang husto sa puso ng tagapagmana ng legacy...