Obviously, this is Hugh Jackman's picture. Pero dahil siya ang inspiration ko pagdating sa physical appearance ni Mason kaya nandito siya. :)
MASON'S DEATH Courtesan novel unedited excerpt by Arielle
WALANG balak si Shandra na makipag-komprontasyon kay Frida. Ngunit kilala niya si Mason. Oras na mapagdesisyunan na nitong gawin ang isang bagay, wala nang makakapigil dito.
“Ano sa tingin mo ang ibubunga ng pakikipagharap natin kay Frida?” aniya nang iparada ni Mason ang kotse nito sa harap ng isang bahay.
Bumaba ito. Ipinagbukas siya ng pintuan ng kotse.
“Imposibleng makumbinsi natin siya na tigilan na ang panggugulo sa amin ni Sebastian.”
“One way or another Shandra, matatapos na sa araw na ito ang panggugulo niya sa iyo.”
Kinabahan siya. Kanina ay nakita niya kung gaano walang ka-kurap-kurap na binaril nito ang mga lalaking nangtangkang patayin siya kanina. There wasn’t even any feelings of remorse. Animo normal lamang dito ang pumatay.
“What are you Mason? Sino ka talaga?”
“Hindi mo pa rin ba alam Shandra? I am an avenging angel. Binibigyan ko ng hustisya ang mga taong hindi iyon makuha sa batas. Frida is untouchable by the laws of this land. Wala tayong pruweba na siya ang nagbayad sa mga assassins na iyon.”
“Because you killed them all!”
“No sense in keeping them alive in this world. Assassins like them who kill for money at walang pakialam kahit na inosente pa ang kanilang patayin need to go to hell as soon as possible.”
Napatigil siya sa paglakad.
“Balak mong patayin si Frida?”
“Now that will depend sa magiging resulta ng pakikipag-usap mo sa kanya.” isang baril ang inilabas nito. Pinatamaan ang security lock ng gate. Walang nilikhang ingay ang baril dahil sa silencer na nakakabit doon. “Useless devices.” anito bago itinulak pabukas ang pintuan.
Napasunod siya dito. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay dire-diretso ito sa paglalakad. Mukhang hindi ito ang unang beses na nagpunta ito dito.
“Frida? I know na nandito ka. I saw your car in the garage.” tawag ni Mason sa babae.
Lumabas sa isa sa mga kuwarto si Frida. Nagulat siya nang makitang may hawak itong baril.
“Wrong move Mason! Hindi ka na sana nagbalik pa dito.” tumutok sa kanya ang mga mata nito. Nakita niya ang pagkabigla nito.
“Surprised?” ani Mason. “Alam mong hindi kita mapapayagan na patayin si Shandra. Nor would I allow you to frame me for her death. Nagkamali ka ng tantiya Frida. Nang sabihin mo sa akin ang plano mo. You thought hindi ako makakarating on time. Kung kotse ang ginamit ko, malabo nga. But I used a plane. And parachuted down to the villa. I was right on time. You failed as always.” pangungutya nito.
“Nakalimutan mo na bang nasa mga kamay ko na ngayon ang buhay mo at ng prostitute na iyan? I can kill both of you here and claim self defense. Bahay ko din ito at kayong dalawa ay nagtre-trespassing!”
“What is wrong with you woman? Why can’t you go on? Ikaw naman ang may kasalanan kaya nangyari ito sa iyo.”
“Ako? Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! You made me love you! Then rejected me!”
“The decision had always been yours Frida. Binigyan lang kita ng choices. As for the consequences, you have to accept that. Mas pinili mo ako kaysa kay Sebastian gayong sa umpisa pa ay ipina-alam ko na sa iyo kung anong klase ako ng tao. The love and care you need, na kay Sebastian iyon. All you need to do was forgive him. Madali lang naman iyon since sinabi ko sa iyo after ng confrontation ninyo ni Sebastian sa India na ang lahat ay kagagawan ko. It was all part of my plan to make his grandfather miserable.”
Napa-iyak si Frida.
“I rejected him because of you!“ sigaw nito.
“How can you even think na magagawa kitang mahalin gayong alam ko ang klase ng pagkatao mo? You hide what you really are with your beauty, with your acting. Kung matino kang babae, hindi mo basta na lamang iiwanan ang anak natin. But you did that, you left your own innocent child in the snow just to spite me!”
“He is a devil’s spawn! Hindi siya magiging kawalan sa mundo kung namatay siya noon!”
Hindi na nakontrol pa ni Shandra ang sarili.
“Rageon is a good boy! Disente siya at mapagmahal! He is not like you or his real father! He will never be like the two of you dahil maayos siyang pinalaki ni Sebastian and I will also make sure that he will learn how to be a decent and-“
Itinutok sa kanya ni Frida ang baril. Mabilis ang naging kilos ni Mason. Iniharang nito ang katawan sa pagitan nila ni Frida.
Pareho silang nagbigla ng babae.
“Y-You would die for her?” hindi makapaniwala si Frida.
“I would.” ani Mason.
“Then die!” galit na galit na sabi ni Frida sabay pagpapaputok ng baril.
NOONG girlfriend pa lamang ni Sebastian si Frida ay madalas na niyang dalawin sa bahay nito sa Maynila ang dalaga. Kaya’t di na siya kinailangang bigyan pa ng direksyon ni Calais. Pagbaba nila ng sasakyan ay naulinigan nila ang malalakas na putok!
Sumibad na siya ng takbo. Hindi na niya hinintay pa ang butler. Pagpasok niya ng bahay ay nakita niyang duguan si Mason, naka-upo sa tabi nito si Shandra. Sa isang tabi ay naroroon si Frida, hawak ang isang baril.
“Frida!” bulalas niya. Binalingan siya ng dalaga. Tumutok sa kanya ang hawak nitong baril.
“You men are bastards! Mga wala kayong taste sa babae!” galit nitong sabi. “Dahil sa isang prostitute ay mas pinili ni Mason na mamatay. Ganoon ka din ba Sebastian? Would you also choose to die for this woman?”
“Do not kill him!” malakas na pakiusap ni Shandra.
“It’s over Frida. Papunta na dito ang mga pulis. Kinontak namin sila. Kung papatayin mo ako o sinuman sa amin, mas mapapahamak ka lamang.”
“This is my house. At kayong lahat ay nag-tresspassing dito. And I can hire the best lawyer in this country! Kahit na patayin ko pa kayong lahat, I will not spend even one day sa kulungan!”
Itinutok nito ang baril kay Shandra.
“Bago pa dumating ang mga pulis, I will make sure that this prostitute gets what she really deserves!”
Imbis na putok ang marinig niya, ang narinig niya ay ang malakas na sigaw ni Frida. Nabitiwan nito ang baril na hawak. Duguan na din ang kamay nito. Nang tingnan niya si Mason ay nakita niyang buhay pa pala ito. Isang din baril ang hawak nito.
Agad niyang kinuha ang nabitiwang baril ni Frida.
“Monsieur, dapat kang madala sa ospital!’ bulalas ni Calais na agad na lumapit sa amo.
Tumutok ang mga mata ni Mason kay Shandra.
“I told you, one way or the other ay tatapusin ko ang gulong ito sa buhay mo. I maybe a lot of things Shandra, but I always keep my word.” isang bagay ang nakita niyang kinukuha nito sa loob ng suot na polo. Isang maliit na tape recorder iyon. “T-This will help you file a case. Lahat ng pag-amin ni Frida ay nakuha nito.”
“Mason…” anas ni Shandra.
“I can’t…Hindi ko man nasuklian ang pagmamahal mo, I think I made sure na magiging maayos na ang buhay mo.” pumikit ang mga mata ng lalaki.
Malakas ang naging iyak ni Shandra. Mahigpit nitong niyakap ang lalaki. Biglang naging malinaw ang lahat kay Sebastian. Ibinigay ni Shandra ang sarili nito sa kanya noon dahil sa utos ni Mason. Dahil mahal nito ang lalaki. Shandra may have feelings for him, pero mas malaki pa rin ang pagmamahal nito kay Mason.
MAAYOS na ipinalibing ni Calais si Mason sa tabi ng puntod ng mga magulang nito na nasa Sta Barbara. Halos araw-araw ay dinadalaw ito ni Shandra. Madalas ay kasama ng babae si Rageon. Hindi sigurado si Sebastian kung ipinagtapat na din ni Shandra sa bata na si Mason ang tunay nitong ama.
Tungkol naman kay Frida, ang mga testimonya nilang tatlo at ang tape ay naging sapat para agad itong mahatulan. Nabaliwala ang galing ng abugado nito. Totoo ang sinabi ni Mason, hindi na magugulo ng babae ang buhay ni Shandra.