Nemesis Trilogy
Nemesis means “mortal enemy”, an enemy that cannot be beaten or overcome. Pangalan din ito ng Greek goddess of retribution (paghihiganti).
This is a three-part series at ang tatlong heroes or antiheroes ay present sa bawat libro. Hindi sila magkakaibigan kundi magkakaaway. They are the nemesis of each other.
Hunter - Isa siyang treasure hunter, adventurer
Duvall - a world famous rockstar na nananatiling misteryo ang pagkatao
Trein - a powerful and blackhearted business tycoon
three novels,
three endings,
and
three men you will learn to hate and love at the same time...

Book 1 - Hunter (Special Edition, 256 pages)
First Printing 2007
Isang matapang at maabilidad na treasure hunter si Hunter Mirador. Ngunit nakatali siya sa isang pangako sa kababata niyang si Eris na labis na nagmamahal sa kanya.
Dalawang kaaway pa ang kailangan niyang gapiin: ang makapangyarihang si Trein Montano at ang mapanganib na si Duvall Arriego.
Higit sa lahat, kailangang itago niya ang isang lihim. Dahil sa oras na mabunyag iyon, tuluyan nang mawawala ang tanging babaeng pinakamamahal niya.

Book 2 - Rock Star (Special Edition, 256 pages)
First Printing 2007
Isang sikat na rock star si Duvall. Namumuhay siya sa karangyaan at sinumang babae na magustuhan niya ay napapaibig niya. At ang buhay na tinatamasa niya ngayon ay utang niya sa pagsasakripisyo at wagas na pag-ibig ng isang babae—si Mae.
Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay sumumpa siyang sisingilin ang dalawang lalaking nagkaroon ng malaking pagkakasala sa kanya.
Pero nariyan palagi si Mae. Ito ang walang-sawang nagpapaalala sa kanya upang hindi siya lumihis sa tama.
Pero ano ang gagawin niya kung pati ito ay mawawala sa buhay niya?

Book 3 - Tycoon (Special Edition, 256 pages)
First Printing 2007
Tatlong taong tila naglaho sa mundo si Trein Montano. Ang mga kompanyang pag-aari niya ay nasa mga kamay na ng mga taong ganid at dinidiyos ang salapi.
Sa kanyang pagbabalik, taglay niya ang isang konsiyensiyang pumipigil sa kanya para gumawa ng kasamaan. Kasama rin niya sa kanyang tabi ang babaeng pinakamamahal niya.
Ngunit ang babaeng ito rin ang kikitil sa kanyang buhay oras na matalo na niya ang mga taong kumokontrol sa kanyang mga negosyo at kayamanan.