Steel Hearts Trilogy
Steel Hearts Trilogy is the romantic saga of Mai and Jack. This was supposed to be just one novel. Pero humaba nang humaba dahil sa kakaibang personality nila at sa development ng kanilang pag-iibigan.
Twilight Rage is about young love. Ang susunod, Midnight Siege is about true love. And the last part, Dawn's Conquest is about endless love.
Maaksiyon at puno ng mystery ang pakikipagsapalaran nina Mai at Jack. At sana makasama rin sila sa mga characters na napamahal sa inyo.

Book 1 - Twilight Rage (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2007
Si Mai ang future leader ng makapangyarihang angkan ng mga Fujiwara. Isa rin siyang bihasang mandirigma na kayang pumatay ng tao.
Hindi siya marunong magmahal. Kamatayan at kapahamakan lamang ang makukuha ng lalaking iibig sa kanya—kamatayng magmumula mismo sa kanyang mga kamay...
Batid ni Jack ang lahat ng iyon. Ngunit wala siyang pakialam. May plano kasi siya kung paano mapapabagsak si Mai sa kanyang mga kamay.
Ngunit para magtagumpay ang kanyang plano, kailangan niyang kontrolin ang kanyang puso. Kung anu-ano kasing kapalpakan ang nangyayari tuwing nai-in love siya. At matinding pag-ibig ang isinisigaw ng pesteng puso niya para kay Mai...

Book 2 - Midnight Siege (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2007
Sinundan ni Jack Savage ang kasintahang si Mai sa Japan. Ngunit pagdating niya sa bansang iyon ay natuklasan niyang wala siyang puwang sa mundo ng dalaga.
Marami ang nagnanais ng kanyang kamatayan: ang kagustuhang ilayo siya kay Mai. Hindi rin naging sapat ang lakas at kakayahan niya upang muli silang magkita.
Sa unti-unting pagkawala nito sa buhay niya, saka naman nagsimulang dumating ang kanyang mga panaginip. Sa mga panaginip na iyon ay dinadalaw siya ng isang misteryosang babae. Ginigising nito ang init sa katawan niya at inangkin din nito ang pag-ibig na tanging kay Mai niya inilalaan.

Book 3 - Dawn's Conquest (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2007
Siyam na taon pagkatapos magpakasal ni Mai kay Jack at sumumpang ito lamang ang mamahalin niya ay nanatiling buhay at matibay pa rin ang damdamin niya para sa lalaki. Ngunit nakaatang na ngayon sa kanyang mga kamay ang pagpataw ng parusang kamatayan dito.
Walang balak si Jack na basta na lamang mamatay nang walang kalaban-laban. Hindi rin siya tatangging labanan si Mai. Ngunit siya ang magdidikta sa klase ng labang magaganap. Isang pagtutunggali iyon na dapat magwakas sa muling pagbabalik nito sa kanyang mga bisig. At siyempre, sa pagbabayad nito ng maraming mga yakap at halik na ipinagkait nito sa kanya sa mahabang panahon...