Bronze Angel (Special Edition, 384 pages)
First Printing 2004
Unang kita pa lamang ni Margareth kay Angelo ay humanga na siya rito. Noon lamang siya nakakita ng lalaking ganoon kaguwapo—mukhang artista at parang sa anghel ang mukha. Lalo siyang humanga rito nang makita niyang iniligtas nito ang isang dalagitang muntik nang halayin ng ilang kalalakihan.
Pagkatapos ng tatlong taon ay muli niya itong nakita. Iniligtas siya nito sa masamang balak ng isang makulit na manliligaw niya. Ngunit nagtaka siya nang magpakilala ito. Ang pangalan daw nito ay Deacon Salazar.
Napakabilis ng mga pangyayari—dahil kinabukasan din ay engaged na sila. At nang gabing ipagkaloob niya ang sarili rito, nalaman niyang ang tanging hangad nito ay singilin siya sa kasalanang nagawa nagawa raw niya noong una siya nitong nakita.
Ngunit hindi siya naniniwalang hindi siya mahal ni Deacon. Dahil damang-dama niya ang pag-ibig nito habang inaangkin siya nito. Kahit ipagpilitan pa nito na wla itong puso at kaluluwa at wala itong pagmamahal sa kanya ay patuloy niya itong mamahalin.
Magtagumpay kaya si Margareth sa patibong ng pag-ibig na inihanda niya rito?

Reborn from Fire
First Printing 2004
Limang maiikling kuwento ng buhay at pag-ibig sa daigdig ng Phoenix 7:
Kahit Ano Ka Man. Naghahanap si Paige ng isang tunay na pag-ibig. Pinipigilan naman ni Clay ang damdaming nakatago sa dibdib nito. Sila ang nakatakda para sa isa't-isa, ngunit matibay ang pader na naghihiwalay sa kanila.
Lukso Ng Dugo. Kilala si Knightmare bilang ang super genius ng Phoenix, ngunit sino ba talaga siya? Saan siya nagmula?
Isang Bagong Buhay. Inakala nina Medea at Aries na tapos na ang pagsubok sa buhay nila. Ngunit nagbalik ang nakaraan ng lalaki na nagbabantang muling muling paghiwalayin sila.
Sa Unang Pagsibol. Sa murang gulang ay natutuhan ni Ashley na magmahal ng tapat. Ngunit ang lalaking pinili niya ay iba pala ang hangad sa kanya.
Larong Apoy. Sumumpa si Ryanne kay Hudson ng isang pag-ibig na wagas. Ngunit isang gabi ay ipinadama sa kanya ng isang "estranghero" ang init ng pag-ibig sa mga bisig nito...

Eternal Knight (Special Edition, 144 pages)
First Printing 2007
Dumating si Kaila Arceo sa Cebu para magtrabaho bilang assistant chef sa isang sikat na restaurant. Lingid sa kaalaman ng lahat, nawawala ang kanyang alaala.
Pero sa pagpukaw ni Sid Guillermo sa kanyang puso ay kasabay ring nagsimula ang pagdating ng mga panaginip—panaginip tungkol kay Knightmare.
Si Sid Guillermo ang susi sa nakaraan ni Kaila; ngunit gagawin niya ang lahat ng paraan para manatiling lihim iyon. Dahil oras na matuklasan ni Kaila ang katotohanan sa misteryosong si Knightmare ay tiyak ay tiyak na tatalikuran siya nito.
Ngunit hindi mapipigilan ang paglabas ng katotohan at muling pagbabalik ni Knightmare. At si Knightmare ang magdedesisyon sa kapalaran ng pag-iibigan nina Kaila at Sid.

Phoenix Reloaded - Book 1
First Printing 2008
"Sa mga panahong sinasaktan kita, dalawang dobleng sakit ang nararamdaman ko. You are, and will always be the only woman I will love. At kahit mamatay pa ako, my love will always remain."
Kilala si Johann Fontaine sa fashion world bilang editor-publisher ng isang popular fiction magazine sa Paris, France. Dahil din sa angking kagandahan nito ay madalas itong mapagkamalang babae.
Ngunit sa katotohanan ay isa itong tunay na lalaki at ang makapagpapatunay niyon ay ang girlfriend nitong si Paige O'Hara na heiress ng isang multibillion business empire.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sina Johann at Paige ay mga miyembro din ng Phoenix Seven—isang grupong may madilim na reputasyon.
Ang katotohanan sa likod ng reputasyong iyon ay ibubunyag ng magkasintahan sa pamamagitan ng isang nobelang tatalakay sa buhay at pag-ibig ng bawat miyembro ng Phoenix Seven...

Phoenix Reloaded - Book 2
First Printing 2008
"My heart is yours. And I will love you as much as I can while my heart is still beating."
Sa pagtutulungan ng magkasintahang Johann at Paige sa pagsusulat sa nobela ng Phoenix Seven ay nagsimulang kuwestiyunin ni Paige ang katapatan ng kasintahan sa kanya. Batid niyang siya ang una at huling babaeng mamahalin nito ngunit ang hindi nito pag-aalok ng kasal sa kabila ng matagal na nilang pagsasama ay nagbibigay ng duda sa puso niya.
Sa pagdaraan ng mga araw ay nagsimulang bumigat ang kanyang dibdib—hanggang sa hindi na niya nakayanan pa ang sarili. Kinompronta niya ito.
Isang katotohanan ang nagbunyag sa kanya at nagpabago sa relasyon nila ng lalaking pinakamamahal niya...