This is Hugh Jackman and he's the inspiration for Mason's physical looks.
REBIRTH Club 56 Unedited Excerpt by Arielle
*This excerpt explains how Mason survived his 'death' in Courtesan.
Noon napansin ni Livia ang pagpasok ng isang lalaki sa club. Isang dalagita ang kasama nito. Kakaiba ang dating ng lalaki. Masasabing malakas ang presence nito. Napapatingin dito ang lahat ng babaeng dinaraanan nito. Bukod kasi sa dating nito, tall dark and handsome din ito. Ang dalagita naman nitong kasama ay matangkad. Kung hindi dahil sa baby face nito at flat chest ay mapapagkamalan niyang dalaga na ito dahil sa height at sa klase ng lakad. Sigurado ang bawat hakbang nito, walang kinatatakutan at di nako-conscious sa tingin ng sinuman. Hula niya ay naglalaro sa 12-14 ang edad ng dalagita.
Bawal ang ganoong mga edad sa club. Eighteen years old lamang ang maaring makapasok sa club. Kinausap agad ng bouncerette na si Felyzet ang lalaki. Marahil ay pagsasabihan. Ngunit matapos magsalita ang lalaki ay di na tumutol si Felyzet. Nakita na lamang niya na pinasusunod nito ang lalaki.
Napansin niya na papalapit sa bar kung saan sila naroroon ni Walker ang grupo. Dumaan sa harapan nila ang mga ito. Malinaw na ang destinasyon ng mga ito ay ang elevator sa likod ng bar.
“Bisita ata sila ng owners ng club.” komento ni Walker.
Hindi pa rin niya mai-alis ang tingin sa lalaking naglalakad palayo.
“Hey, alam kong guwapo iyon, pero dapat masanay ka na sa ganyang mga klase ng tao. Uso dito ang mga guwapo.” pagbibiro ni Walker sabay lagay ng kamay sa ilalim ng baba para isama ang sarili sa ganoong kategorya.
Tumawa siya. Ang naramdaman niya sa lalaking iyon ay di tulad ng naramdaman niya nang unang beses niyang makita si Trader. Agad niyang pinagalitan ang sarili. Bakit ba pinayagan na naman niyang sumingit sa isip ang lalaking iyon?
Ibinalik niya ang atensyon sa bagong dating na lalaki. Bigla ay na-realize niya ang kakaibang aura nito. It’s the aura of danger! Ganoon din ang dating ni Trader lalo na pag nagagalit ito sa kanya.
KATATAPOS pa lamang ni Livia sa paghahatid ng order sa table 15 nang masulyapan niya ang pagkaway sa kanya ni Walker. Nilapitan niya ang bartender. Tatlong drinks ang inihanda nito. Isa ay isang normal iced tea.
“Pakidala naman ito sa viewing room.”
Natigilan siya. Iyon ang nagsisilbing office ng mga boss nila ah. Nakadama siya ng kaba. Mukhang finally ay makakaharap na niya ang mga ito.
“Order iyan ni Ma’am Danielle. Ikaw na ang pinili ko na mag-serve sa kanila para ma-meet mo siya.”
Lalong nadagdagan ang kaba niya. Paano kung di siya magustuhan ng owner? Kung pumalpak siya. Isa ba itong test para sa kanya?
Huminga siya ng malalim. Inilagay ng maayos ang mga drinks sa tray niya at nagtungo sa likod ng bar. Hagdan ang ginamit niya since ayon kay Walker, ang elevator ay ginagamit lamang ng mga may-ari at ng mga guests ng mga ito.
Isang saradong pintuan ang nakita niya sa second floor. Kumatok siya.
“Come in.” utos ng isang boses babae.
Pumasok siya. Nakita niya na ang office ng mga boss nila ay animo sala sa isang malaking bahay. Ang inakala niyang glass window mula sa first floor ay isa palang buong dingding. Kahit saan ka tumayo sa room ay tanaw na tanaw ang lahat ng parte ng club. Kahit na di magpakita ang mga owners ng club sa mga staff and crew nito, mula sa kuwartong ito ay nasusubaybayan ng mga ito ang lahat ng nangyayari sa ibaba.
Idinako niya ang atensyon sa mga nasa kuwarto. Naroroon ang tall,dark, dangerous and handsome man at ang dalagitang kasama nito. Naka-upo sa isang arm chair ang lalaki. Katabi naman ng dalagita sa sofa ang isang middle aged woman na hula niya ay walang iba kundi si Ma’am Danielle. Sa kabila ng edad nito ay mapustura ito at karespe-respeto. May seryosong pinag-uusapan ang mga ito kaya’t di siya nilingon man lang. Ngunit saglit na sumulyap sa kanya ang mga mata ng lalaki bago nito ibinalik ang tingin kay Ma’am Danielle.
“Hanggang ngayon ay di ko pa rin mapaniwalaan na buhay ka pa rin Mason.” mababa at medyo malat ang boses ni Ma’am Danielle. Naala-ala tuloy niya ang boses ni Demi Moore. “Ayon sa nabasa ko sa newspaper ay binaril ka ng isang babaeng nagngangalang Frida.”
Tumawa si Mason.
“Yes she did. There was a lot of blood kaya naging madali sa akin na umarte na patay na ako. Pero hindi fatal ang naging injury ko. At maparaan ang butler kong si Calais. He was able to get a dead body to take my place in the morgue. And it was easy to bribe the doctor na gumamot sa akin to tell everyone I was dead. At after na pirmahan ng duktor ang aking death certificate, Calais had the body cremated before giving the ashes to Shandra who then buried the ashes in Santa Barbara.”
“Why?”
“I needed to make everyone believe na patay na ako para maayos ko ang isang gulong nasimulan ko.”
Hindi niya malaman kung ibababa ang dalang drinks sa table na nasa gitna ng kuwarto o hihintayin na pansinin siya ni Ma’am Danielle. Para kasing bigla siyang sisingit sa gitna ng mga ito.
“Ang mga gulong nangyayari sa buhay mo ay dahil sa hobby mo na pagdampot ng mga ulilang lubos.” tumutok ng husto ang atensyon ng matandang babae sa dalagita.
Natawa si Mason. Wala naman siyang anumang nakitang emosyon sa dalagita.
“Hindi mo pa rin ako binibigyan ng sagot Danielle. Hindi pa ba sapat ang offer ko? Kung kukunin mo si Trois at patuturuan sa mga bouncers mo, makukuha mo ang service ko na free of charge habang nasa training si Trois.”
“Si Lea ang tanging makakasagot niyan. She was the one who trained our bouncers. Wait, you are quite capable of training her yourself. Hindi ka lamang magaling lumaban, you are also good in using guns.”
“Sa klase ng trabaho ko, wala na akong oras para i-train si Trois. Besides, I want her to learn how to fight and defend herself like a woman. At sa nakita kong capabilities ng mga bouncerettes ninyo…”
“I can’t guarantee anything Mason. Si Lea lamang ang makakapagpasya niyan. Tinawagan ko na siya at papunta na siya dito. You talk to her.”
“Magkaibigan kayo. You can convince her. Besides who knows, sa klase ng job ninyo dito, natitiyak kong darating ang panahon na kakailanganin din ng Club 56 ang serbisyo ng isang tulad ko.”
“You are a dangerous man Mason.” komento ni Ma’am Danielle. “Laging may hidden motive ang bawat action mo. At itong pagpapa-train mo sa amin ng isang thirteen year old girl sa art of fighting ay kaduda-duda.”
Ngumiti si Mason.
“I am just preparing Trois. Since she will soon be the bodyguard of my son.”
“Son!” gulilat si Ma’am Danielle, “Mayroon kang anak?”
“Yes. His name is Rageon. He just turned thirteen this year. Sa klase ng trabaho ko, marami akong nagiging kaaway. They can’t hurt me, pero maari nilang matunton ang anak ko at siya ang singilin sa mga kasalanan ko. That’s why kinuha ko si Trois para maging personal bodyguard ng anak ko.”
Batid ni Livia na ang ganitong klase ng usapan ay di niya dapat pinapakinggan. Tumikhim siya para ipa-alam sa lahat na naririto pa din siya.
“Your drinks ma’am.” aniya.
Sa unang pagkakataon ay bumaling sa kanya ang mga mata ni Ma’am Danielle.
“Ipatong mo na lang iyan dito sa mesa. Isa ka sa mga bagong kinuha ni Harrieth?”
Ibinaba niya ang mga drinks sa table.
“Yes ma’am. Livia po ang pangalan ko.”
Naramdaman niya ang naging pagsusuri ni Mason sa kanyang katawan.
“Mason!” saway ni Ma’am Danielle. “Off limits ang mga staffs and crews ng club! You can’t seduce any of them!”
Malakas ang naging tawa ni Mason.
“Don’t worry Dan, I don’t like virgins or teenagers.”
Nag-init ang mukha niya. Agad siyang nagpa-alam at lumabas ng kuwarto. Nairita siya sa lalaking nagngangalang Mason. Hindi daw ito interesado sa kanya! It’s like getting slapped!