The Person Behind The Stories...
(her answers to these questions often changes dahil pabago-bago ang kanyang interes at favorites.)
Arielle is the author of 303 romance novels and other genres (including those that were published in her previous publishing house). She is a contract writer for PHR until March 18 2015. Her latest novel series is Warrior Clan, it will be the last printed novel she will write because she will soon be publishing her own novels as E-Books come 2015.
About Her
Birthday
Birthplace Eyecolor Zodiac Sign Hair Color Righty or Leftie Educational Attainment: Past Jobs Present Job |
secret daw ahehe!
Antipolo, Rizal Brown-Black Capricorn Minsan blue, minsan violet, minsan red, at minsan brown Righty. Kaya lagi may rayuma kanan ko. A.B. Journalism, UST Sumulong Memorial High School Juan Sumulong Elementary High School Worked as a researcher, Encyclopedia seller. Been a full time writer since I was 23 years old. |
Favorites
TV Commercial
coke x'mas commercials
Actor
Robert Downey Jr. (as long as he remains sober) and Tom Hiddleston (specially when he's dancing)
Actress
Angelina Jolie
Singer
Billy Joel, Phil Collins, Phil Phillips, Adele,
Band
Black Eyed Peas, Fun,
Little Things You Should Know...
3 things you do when you wake up?
Open radio, open computer, cook breakfast
3 things you do before you sleep?
Close computer, close radio, open TV (ahahahah)
Do you play an instrument?
Drums (wala sa tono), banduria (pumapalya tipa)
What place would you most likely visit?
Japan
Her best physical feature
Boobs (ahek!)
Her fears
Heights. At ang patuloy na paglapad ng aking baywang!
Her dreams
Make lots of money, eat all the different foods in the world, meet new friends.
Her unforgettable place
The world wide web
Her unforgettable date
Wala, makakalimutin ako sa dates eh :-)
Her most overused phrase
Wenks! ;-)
Q & A
What languages do you know?
English and Filipino lang. Yung mga foreign language na gamit ko sa novels ko, bunga lang yun ng research ko.
Paano nagkakaroon ng buhay ang mga characters mo? Sila ba ay nakakasalamuha mo o basta na rin lang sumusulpot sa utak mo ang kakaibang mga ugali nila?
Basta na lamang sila sumulpot. Maging dialogue nila at ugali.
Ilang taon ka ng magsimula kang magsulat? At ano yung kauna-unahang novel na sinulat mo?
19 years old. Sa Komiks ito. I started writing romance novels at age 23. First romance novel ko is Kanluran at Silangan. But I try to forget that novel, hindi dahil sa di ko nagustuhan, kasi ang ang-publish ay yung publishing house na gumago sa akin (AHHEHE)
Since alam ko matagal ka ng nagsusulat, meron ka bang paborito sa mga characters na nilikha mo?
Usually ang paborito ko ay yung mga heroes and heroines ng novel na kasalukuyan kong ginagawa.
Kung di ka nagsusulat ng novel, anong ginagawa mo?
Kumakain! (WAHAHAHAH!) I watch tv, go to malls, buy and watch anime cds, browse the internet,hang out with my nephews and do experimental cooking. (When I go berserk, I kill dalag, hito and chickens then invents new dishes from them)
Complete the sentence: Gusto ko yung mga taong...
Gusto ko yung mga taong funny and malawak ang pag-iisip.
Galit ako sa mga taong ...
Galit ako sa mga taong pinapakialaman ang love life ko, niloloko ako, at binababoy ang mga novels ko. Higit sa lahat, galit ako sa mga taong kinokopya per word ang mga novels ko at ipina-publish sa wattpad at sinasabing sa kanila iyon at sila ang sumulat.
Meron ka pa bang hindi nagagawa na gusto mong gawin?
Kill someone or set fire on a publishing house (WAHAHAH)!
I want to write a hundred E-Books!!!!
I want to write a hundred E-Books!!!!
Kaming mga new friends mo, kelan ka naman namin mami-meet in person?
Well, kung magkakaroon ako ng pera, i would set up another get together. Posible din na sumama ako sa fans day ng Precious. Pero uneasy pa rin ako dito. Kasi baka walang dumating na fans (AHAHA!) Base kasi sa experience ko whenever I go to this get togethers (sunday ito usually, free food and drinks at all out to sawa ang tsikahan) out of 50 people na ini-invite ko 20 lang dumarating. Kaka-asar yun. Paano ko pa mae-expect na may darating na fans sa fans day? Libre na nga ang pagkain di pa sila sumusulpot? Eh sa fans day pa-autograph lang, magagastusan pa sila sa pagbili ng books ko at pipila pa. Sino pa dadalo dun?
I think kakaiba ang romance ng novel mo... san mo kinukuha yung mga ideas mo about this?
Hindi ko rin alam kung saan sila sumusulpot(AHEK!) Basta the moment na may story idea na tumubo sa ulo ko (parang kabute!) di na ako matahimik, I need to write it down. Pag wala namang story idea, normal na tao ako (AHHEHE!)
If you were given three wishes, ano ang hihilingin mo?
1. Huwag maging TV series ang anumang novels ko!
2. Hindi gawing nakakasuka at napakapangit na teleserye ang mga novels ko.
3. I- ban, i-reject and totally baliwalain ng ABS CBN hanggang sa pagwawakas ng mundo ang mga novels ko. Yung tipong makita pa lamang nila ang pangalan ko ay agad nilang ipapabalik sa publisher ang book ko . Pag nangyari ito, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. :)
2. Hindi gawing nakakasuka at napakapangit na teleserye ang mga novels ko.
3. I- ban, i-reject and totally baliwalain ng ABS CBN hanggang sa pagwawakas ng mundo ang mga novels ko. Yung tipong makita pa lamang nila ang pangalan ko ay agad nilang ipapabalik sa publisher ang book ko . Pag nangyari ito, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. :)